1 / 21

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASES (STD)

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASES (STD). (Mga Sakit na Maaring Makuha sa Hindi Protektadong Pakikipagtalik). Ano ang STD?. Ito ay mga sakit na maaring makuha sa di-protektadong pakikipagtalik sa partner na may impeksyon.

todd
Download Presentation

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASES (STD)

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. SEXUALLY TRANSMITTED DISEASES (STD) (Mga Sakit na Maaring Makuha sa Hindi Protektadong Pakikipagtalik)

  2. Ano ang STD? • Ito ay mga sakit na maaring makuha sa di-protektadong pakikipagtalik sa partner na may impeksyon. • Lalaki o babae ay pwedeng mahawa ng ganitong sakit. Wala din itong pinipiling edad, bata man o matanda. • Maaring mailipat o makuha ang mga sakit na ito sa mga daanan ng katawan gaya ng bibig, ari ng lalaki o babae, butas ng puwet o kaya naman ay galing sa direktang paglipat ng dugo galing sa taong may impeksyon.

  3. Bahagi ng Katawan na Maaring Maapektuhan ng STD • Bahagi ng Lalaki

  4. Bahagi ng Katawan na Maaring Maapektuhan ng STD • Bahagi ng Babae

  5. Gonorrhea (Tulo) • Ito ay pamamaga sa daanan ng ihi, na maaring may kasamang nana na lumalabas sa butas ng ari ng lalaki o babae. • Nagdudulot ito ng paghirap umihi, pangagati sa ari at pamamaga ng daanan ng ihi. • Ito ay nakakahawang sakit galing sa hindi protektadong pakikipagtalik sa taong may impeksyon.

  6. Gonorrhea (Tulo) – Sa Lalaki

  7. Gonorrhea (Tulo) – Sa Babae

  8. Trichomoniasis • Ito ay nakakahawang sakit na nagdudulot ng matinding pamamaga sa ari, madaming paglabas ng kulay puti o dilaw na nana sa daanan ng ihi. • Ito ay nagdudulot ng masakit at hirap na pag-ihi, mahapding balat sa bahagi ng ari na apektado.

  9. Trichomoniasis • Sa cervix ng babae

  10. Syphilis • Ito ay malubha at nakakahawang sakit na maaring magdulot ng ulcer o kaya pagkabutas o pagkapigtas ng balat ng ari ng lalaki at babae. • Karaniwan ang ulcer ay hindi masakit ngunit maaring maapektuhan ang buong bahagi ng ari. • Pagtagal ng sakit na ito sa taong naapektuhan ay maaring magdulot ng pagkakaroon ng butlig-butlig sa katawan at iba pang sakit sa balat.

  11. Syphilis (Sipilis) • Sa ari ng babae • Sa ari ng lalaki

  12. Syphilis (Sipilis) • Sa balat

  13. Herpes • Ito ay nakakahawang sakit na nakukuha sa hindi protektadong pakikitapagtalik sa taong may impeksyon. • Karaniwan ang sakit na ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng butlig sa katawan, may pagbubutas ng balat, pangangati at pamamagi ng balat sa buong katawan. • Karaniwan din mayroong mga kulani sa singit, pananakit ng ari, lagnat at pamamaga ng lalamunan.

  14. Herpes • Sa ari ng lalaki • Sa ari ng babae

  15. Chancroid • Isang sakit na nakakahawa ng nagdudulot ng pagkabutas o pagkapigtas ng balat ng ari na maaring kumalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang butas ay mas malaki kaysa sa ulcer ng herpes at syphilis. • Ang balat na naapektuhan ay maaring magdulot ng sobrang sakit at pamamaga.

  16. Chancroid • Sa ari ng lalaki

  17. Genital Warts • Ang nakakahawang sakit na ito ay nagdudulot ng pagtubo ng warts o mga bukol bukol na maliit sa may ari ng babae o lalaki, o kaya sa may butas ng puwet. Maari din tumubo ito sa sa may bibig, sa daanan ng ihi at sa iba pang bahagi ng katawan. • Maliban sa mga bukol, karaniwan wala ng iba pang nararamdam iyong taong may impeksyon.

  18. Genital Warts • Sa ari ng babae

  19. HIV-AIDS • Ito ay malubhang sakit na nakakahawa galing sa hindi protektadong pakikipagtalik lalo na sa taong may impeksyon. Maari din itong makuha sa direktang paglipat ng dugo galing sa may sakit na tao. • Ang sakit na ito ay nagdudulot ng mabilis na pagkasira ng depensa ng katawan laban sa mga iba’t ibang impeksyon. Pinapahina nito ang resistensya ng katawan kung kaya’t mabilis na nakakasagap ang katawan ng mga sakit. • Ito ay napakalalang sakit kung saan karamihan ng nahahawa ng sakit na ito ay namamatay lalo na kapag lumala na at hindi naagapan kaagad.

  20. Sagutan ng TAMA o MALI • Masyado pa akong bata para magkaroon ng STD o mga nakakahawang sakit galing sa di-protektadong pakikitapagtalik. • Hindi ko na ipagpapaalam na may nararamdaman ako, kasi mawawala din naman ito kaagad. • Kusa din namang mawawala yung mga nararamdaman ko kahit wala akong gamot na iniinum o kaya magpacheck-up pa sa doktor. • Natatakot akong malaman ng magulang ko ng may ganito akong karamdaman, kaya di ko nalang sasabihin.

  21. Sagutan ng TAMA o MALI • Natatakot akong malaman ng girlfriend o kaya boyfriend ko na may ganito akong nararamdaman kaya di ko nalang sasabihin total hindi ko naman sila mahahawaan ng sakit ko. • Simple lang naman yung nararamdaman ko, butlig butlig lang sa may ari ko, tapos sa balat lang naman ito kaya di ako nababahala sa sakit na ito. • Nasisiguro kong hindi ako magkakaroon ng STD kasi gumagamit naman ako ng condom paminsan-minsan.

More Related