1 / 18

pdfslide.net_uri-ng-pangngalan

pangngalan

normida
Download Presentation

pdfslide.net_uri-ng-pangngalan

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. PangngalangTiyak (Pantangi) at Pangngalang Di-Tiyak (Pambalana)

  2. Masustansyang Prutas at Gulay

  3. Si Jill ay isang walong taong gulang na bata. Siya ay isang mag-aaral sa Immaculate Conception Cathedral School. Naging ugali na ni Jill ang magkwento sa kanyang mommy ng mga bagay na natutunan niya sa paaralan pag-uwi niya ng bahay.

  4. Maligayang pagdating anak. Salamat po mommy! Alam niyo po, may natutuhan na naman ako ngayong araw. Talaga Jill? At ano naman iyon? Tinuro po kasi ngayong araw ni Bb. Verde ang kahalagahan ng prutas at gulay sa katawan. Sabi niya po kapag kumakain kami nito ay hindi kami magkakasakit agad-agad dahil ito daw ang aming proteksyon. Totoo po ba iyon?

  5. Tama ang guro mo Jill. Ang gulay at prutas kasi ay nagtataglay ng mga bitamina na kailangan ng ating katawan para labanan ang mga sakit. Ahh! Kaya po pala mahalaga talaga ito. Tama, naalala mo ba yong sinabi ng doktor mo tungkol sa tamang pagkain? Opo! Sabi ni Dr. Cruz na dapat daw kasabay ng prutas at gulay ay umiinom din ako ng gatas para lalo pa akong lumakas.

  6. Tama!Mabuti at naalala mo pa. O magbihis ka na at kumain. Pagkatapos mo ay aalis tayo. Ha? Saan po tayo pupunta? Sa Farmer’s Market at dadaan na rin tayo sa grocery para makabili ng paborito mong Nestle Fresh Milk. Mamimili po tayo? Yehey! Sa wakas makakasama na rin po ako sa inyo sa palengke!

  7. Oo, iisasama kita nang mapili mo ang mga prutas at gulay na gusto mo. Yehey! Sige po. Magbibihis na ako. ~Wakas~

  8. Pagtalakay sa usapan… 1. Bakit pumunta sa palengke ang mag-ina? 2. Sa inyong palagay bakit kailangan nating kumain ng mga prutas at gulay?

  9. Sa araw na ito ating tatalakayin ang mga Pangangalang Tiyak (Pantangi) at Pangngalang Di-Tiyak (Pambalana.)

  10. Pagbabalik-Aral Ano ang pangngalan? Pangngalan – tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook.

  11. Ating balikan ang usapan nina Jill at ng kanyang mommy. Ano-anong mga pangngalan ang napansin ninyo dito?

  12. Ang Pangngalan ay may dalawang uri. Pangangalang Tiyak o Pantangi – ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop o pook. Ito ay nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: JillBb. VerdeDr. Cruz Farmer’s Market Nestle Fresh Milk

  13. Pangalang Di-Tiyak o Pambalana - ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, o pook. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik lamang. Halimbawa: mag-aaralgurodoktorpalengkegatas

  14. Ano ang pangngalan at ang dalawang uri nito? Pangngalan ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook. Ang dalawang uri nito ay ang Pangngalang Pantangi, tumutukoy sa tiyak na ngalan ng pangngalan at Pangngalang Pambalana, tumutukoy naman sa di-tiyak na ngalan ng pangngalan

  15. Pagsasanay (SW # 2) 1. Tukuyin kung ang pangngalan ay Pantangi o Pambalanasa pahina 141-142 titik A at B ng Pluma 2. 2. Ibigay ang mga pangngalang pambala ng mga pangngalan sa pahina 143-144 ng Pluma 2

  16. Ating Tandaan! Kumain nang tama nang katawan ay hindi manghina.

  17. Takdang Aralin 1.Buuin ang tsart ng pangngalan.

More Related