1 / 24

Hunyo 2014

Kataga ng Buhay. Hunyo 2014. “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” ( Mt 28,20).

Download Presentation

Hunyo 2014

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Katagang Buhay Hunyo 2014

  2. “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt 28,20).

  3. Sinimulan ng Ebanghelistang si Mateo ang kanyang Ebanghelyo tungkol sa buhay ni Jesus. Inalala niya na Siya ay ang Emanuel, na ibig sabihin ay “sumasaatin ang Diyos”. (cf Mt 1,23),

  4. Inulit niya ang mga katagang ito sa pagtatapos ng Ebanghelyo, ang Kanyang pangakong palaging manatili sa ating piling, kahit pagkatapos Niyang bumalik sa langit. Siya ay mananatiling “Diyos na sumasaatin” hanggang sa wakas ng panahon.

  5. Sinabi ni Jesus ang mga katagang ito sa mga alagad matapos Niyang ipagkatiwala sa kanila ang tungkuling dalhin ang Kanyang mensahe sa buong mundo.

  6. Alam Niya ang mga panganib na kanilang haharapin, na sila ay parang mga tupa sa gitna ng mga lobo at sila ay makakaranas ng mga kahirapan at pagtuligsa. (cf Mt 10,16-22).

  7. Ito ang dahilan kung bakit ayaw Niya silang iwan sa kanilang misyon. Kaya’t sa mismong sandali ng Kanyang paglisan, nangako Siyang mananatili!

  8. Hindi na nila Siya makikita, hindi na maririnig ang Kanyang tinig, o kaya ay mahahawakan, subalit Siya ay paroroon sa kanilang gitna, kagaya ng dati; katunayan, higit pa kaysa dati.

  9. Hanggang sa panahong iyon, ang Kanyang presensya sa mundo ay limitado lamang sa isang tiyak na lugar, sa Capernaum, sa lawa, sa mga bundok, o sa Jerusalem. Subalit simula sa pagkakataong iyon, paroroon Siya saan man naroon ang Kanyang mga alagad.

  10. Iniisip din tayong lahat ni Jesus, ang ating mga dinaranas sa araw-araw, ang kung minsa’y tila magulong pamumuhay.

  11. Sapagkat Siya ay Pag-ibig na nagkatawang tao, maaring naisip Niya: nais Kong palaging makasama sila, makibahagi sa kanilang mga alalahanin, bigyan sila ng payo; nais Kong maglakad sa lansangan kasama nila, pumasok sa kanilang tahanan, bigyan sila ng sigla ng Aking presensya.

  12. Ito ang dahilan kung bakit nais Niyang manatili sa ating piling at ipadama sa atin ang Kanyang pagiging malapit, ang Kanyang lakas, ang Kanyang pag-ibig.

  13. Sinasabi sa Ebanghelyo ni Lukas na pagkatapos na makita Siyang umakyat sa langit, ang mga alagad ay “nagbalik sa Jerusalem ng may matinding kagalakan” (Lk 24,52).

  14. Paano ito nangyari? Dahil naranasan nila ang katotohanan ng Kanyang mga sinabi.

  15. Tayo rin ay mapupuno ng kagalakan kung tunay tayong maniniwala sa pangako ni Jesus:

  16. “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt 28,20).

  17. Ang mga huling katagang ito ni Jesus sa mga alagad, ang tanda ng katapusan ng Kanyang buhay dito sa lupa, at kasabay nito, ang simula ng buhay ng Simbahan kung saan Siya ay naroon sa maraming paraan:

  18. sa Eukaristiya, sa Kanyang Salita, sa Kanyang mga ministro (obispo, pari), sa mga dukha, sa mga maliliit, sa mga isinasantabi ng lipunan... sa bawat kapwa.

  19. Nais nating bigyang diin ang isang natatanging presensya ni Jesus, na ipinahayag Niya sa atin sa Ebanghelyo ni Mateo: “Kung saan may dalawa o tatlong natitipon sa pangalan Ko, naroon Akong kasama nila” (cf Mt 18,20).

  20. Ninais Niyang lagi Siyang naroon saan man sa ganitong paraan.

  21. Kung isasabuhay natin ang mga utos Niya, lalo na ang Kanyang Bagong Utos, mararanasan natin ang presensyang ito kahit sa labas ng simbahan, sa gitna ng karamihan, saan man ang presensyang ito ay pinapatiling buhay, sa lahat ng dako.

  22. Ang hinihingi sa atin ay pagmamahalan, na binubuo ng paglilingkod at pagkakaunawaan, ng pakikibahagi sa mga pagdurusa, pagkabahala at tuwa ng ating mga kapatid, isang pagmamahal na tinitiis ang lahat, nagpapatawad sa lahat, na pangkaraniwan sa Kristiyanismo.

  23. Mamuhay tayo sa ganitong paraan upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makatagpo Siya dito pa lamang sa lupa.

  24. “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon”(Mt 28,20). Isinulat ni Chiara Lubich

More Related