1 / 2

Ano ang banghay? - Gabay

Ang banghay o outline ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa. Nakalahad dito ng maayos ang mga pasalaysay na pangyayari tulad ng kung ano at ano ang kahulugan ng mga pangyayari sa paksa.<br><br>Bisitahin ang aming Website: https://gabay.ph/banghay/

gabayfili
Download Presentation

Ano ang banghay? - Gabay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Ano ang banghay? Ang banghay o outline ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa. Nakalahad dito ng maayos ang mga pasalaysay na pangyayari tulad ng kung ano at ano ang kahulugan ng mga pangyayari sa paksa. Maaari rin itong matawag na balangkas. Mayroong tatlong bahagi ang isang banghay: Simula– dito nakasaad at makikita ang kilos, paglinang sa tao, at maging ang hadlang at suliranin. Gitna– tinatalakay dito ang masisidhing pangyayari na kakaharapin ng tauhan na kailangan nitong pagtagumpayan. Wakas– ito ang pinakahuling bahagi ng banghay at nakasaad dito ang magiging resulta ng isang pangyayari.

  2. Mga elemento ng banghay: Panimulang Pangyayari - Dito pinapakilala ang mga tauhan at tagpuan ng isang kwento. Pataas na Aksyon - Dito pinapakita ang pagtindi o pagtaas ng kilos o galaw ng mga tauhan na maaaring humantong sa sukdulan. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, saglit na kasiglahan at tunggalian, kung saan mayroong suliranin na lulutasin ang isang tauhan. Kasukdulan - Pinapakita sa bahaging ito ang mataas na bahagi ng kapanabikan na maaaring dulot ng damdamin o pangyayaring maaksyon sa buhay ng tauhan. Pababang Aksyon - Sa bahaging ito makikita ang paunti-unting paglilinaw ng mga pangyayari. Ito ang hudyat nang pagbaba ng aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na pagtatapos ng kwento. Wakas at Katapusan - Nakalahad dito ang kahihinatnan ng mga tauhan batay sa mga pangyayaring naganap.

More Related