E N D
Tunay nga na makapangyarihan ang salita. Dahil ang salita ang ginagamit natin bilang paraan ng ating komunikasyon. Isa rin itong paraan upang maipaabot ang ating mga saloobin, nararamdaman o ideya. Sa kalaunan, nag-iiba na rin ang paraan at salitang ating ginagamit. Nariyan ang pagdevelop natin ng mga salitang maaring tayu-tayo lang ang ang nakakaintindi at nakakaalam.
Maraming uri ng mga salitang nabibilang dito. Bahagi nito ang salitang kalye,mga salitang bakla, salitang mga ginagamit ng mga taong istambay,salitang ginagamit sa mga inuman, salitang ginagamit ng mga babaeng maaarte, at marami pang iba. Halu-halo na kasi ang ganitong salita at kapag sila’y pinagsama-sama ito na ang sinasabingsalitang kalye/salitang tambay.
SALITANG KALYE Ito ay mga grupo ng salita na karaniwang ginagamit ng mga tao sa daan o kalye bilang paraan ng kanilang komunikasyon. Ito’y lipon ng mga gawa-gawang salita na maaring pinaikli lamang, maaring pabaligtad ang pagbigkas, ang iba’y pinag dugtong-dugtong lamang, at ang iba ay kinuha lang din sa mismong salita at dinagdagan na lamang.
Saan nga ba nagmula ang Salitang Kalye? Ayon sa mga respondent ng riserts na ito, ang mga salitang kalye ay nagsimula noong dekada 80’. Ang nagpauso nito ay ang mga bakla o mga taong kabilang sa pangatlong lahi. Dahil gusto nilang maitago ang kanilang pinag-uusapan ay gumawa sila ng mga salitang sila-sila lamang ang tanging nakakaintindi.
Bakit tinawag na “Salitang Kalye o Salitang Tambay” ang mga salitang ito? Ito’y binansagang salitang kalye/salitang tambay dahil madalas itong gamitin ng mga tao sa kalye at ng mga taong naka-istambay o naka-pirmi sa isang lugar.
Tukaga Isoy/yoda Garuts Toma/Nom-i Ang ibig sabihin nito ay tulog, kain at gala Ito’y mula sa binaligtad na salitang yosi na nagmula sa salitang sigarilyo Ang ibig sabihin ay maarte Ang tawag tuwing magyayaya iminom ng alak H a l i m b a w a:
Tsong/Pare Jerbaks Chongke/Bakes Tropapips/Repapips/ Dabarkads Erpats/Lelong Ermats/Lelang Tsu-tsu Tawag sa kaibigan Ibig sahihin ay gustong dumumi Tawag sa marijuana Tawag sa mga kaibigan Tawag sa ama/tatay Tawag sa nanay/ina Tawag sa mga taong sumbungero o mahilig mag sumbong
Escapo Istokwa Amp/Taena Pinadeport Haliparot/kereng-keng Batsi Bukengkeng Chismax Mamam/bonum Takas Layas Mura Pinalayas/pinaalis Maarte/malandi Mula sa salitang sibat na ang ibig sabihin ay aalis na Nakabukaka Tsismis Inom na ng alak
Tagay Utol Hi balls Pakalog Konyoties Square tayo Tom Jones/Tomguts Jologs Pasa ng baso na may alak Tawag sa kapatid Tawag sa lugar kung saan tumatambay Pahingi ng barya Tawag sa mga taong sosyal Tawag tuwing naghahamon ng away Gutom Baduy
Swak-kwa/squalogs Kakosa Jontis/tesbun Wiwi Pampam Hindot Kantot Uwihe Squatter Kasama sa bilanguan Buntis Ihe Papansin Sabik sa sex Sex Pinagsama-samang salita na ihe at uwi. Kunwari ay iihe pero tatakas pauwi
Buena kitodits Kalabit penge Siyento bente Ba-tak Ibig sabihin ay halika dito Namamalimos Drugs (cup syrup) shabu
Hindi naman mahirap intindihin ang ugnayan ng mga salitang ito sa isa’t isa. Lumabas ka lamang ng bahay, eskwelehan, opisina, o pumunta ka ng tindahan at ang mga salitang ito ay karaniwang iyo’y maririnig. Sumsalamin na nga sa takbo ng buhay ng isang tao ang mga lengguwaheng ito. Hindi lang din iisang mukha ang ipinamamalas ng mga salitang ito. Sa iba’t ibang lugar, at ibat’ ibang level ng tao iba-iba din ang
ibig sabihin o interpretasyon ng mga salitang ito. Kahit sino ginagamit ito, bata, matanda, babae o lalake at pati na rin ang mga kabilang sa ikatlong lahi. Saan mang lugar madalas na ito’y maririnig dahil nga sa panahon natin ngayon ay parang normal na itong gamitin. Kahit sa masmidya ay talamak na ang gamit ng mga ito. Dahil dito ito’y masasabing parte na ng buhay ng tao o nakakabit na sa ating pagkatao.
Nakakatuwang isipin na lubhang malikhain at malawak ang pag-iisip ng mga tao ngayon dahil nakakagawa tayo ng mga salita na tayo lamang ang nakakaunawa. Para sa iba, ito’y nakakatuwa at nakakapagpagaan ng damdamin dahil sa pamamagitan ng mga salitang ito nadarama natin na tayo’y malaya. Ngunit ang interpretasyon naman nito para sa ibang tao ay hindi maganda. Sinasabi nila
na ang paggamit ng mga salitang ito ay isang basehan na kabilang ka sa mababang antas ng lipunan dahil ang mga walang pinag-aralan o hindi edukadong tao lamang ang gumagamit nito. Sabi nga nila kung ano ang iyong sinasabi iyon din ang iyong pagkatao. Ngunit maaari din nating masabi na nadadala lang tayo sa agos ng panahon. Nadala lang ito ng impluwensiya ng ibang tao.
Tayo ay may karapatang maipahayag ang ating mga saloobin. At sa pamagitan ng paggamit natin ng mga salitang ito nararamdaman natin na tayo’y malaya. Ngunit sa bawat salitang ating binibitiwan mabuti siguro na maging maingat tayo dahil minsan ay hindi tayo naiintindihan ng mga tao sa ating paligid. Hindi masama ang paggamit ng mga salitang ito ngunit mas maganda siguro na mailagay natin sa tamang lugar ang paggamit nito at huwag natin kaligtaan ang otentikong salitang Filipino.
Ang isa sa napakaraming dahilan ng pagkaagnas sa isip ng mga tao ng mga katagang maayos na Ingles at Filipino ay katumbas ang katagang mga galing sa kalye. Marahil sa kaisipan na ang gumagamit ng mga salitang kalye ay mas “in” o pasok dahil mas maka-masa ito. Ngunit hindi lahat ay tanggap ang paggamit nito sa ating lipunan. Labis tayong lantad at nabighani sa salitang kalye. Nawawalan ng sariling
pagkakilanlan ang katangian ng ating wika sa pagsasawalang bahala sa ganitong pag-abuso. Nakakatakot nga ang susunod na henerasyon ay hindi alam ang mga otentikong katagang Filipino.Pinanday na ng panahon at kultura, tropa, toma, yosi, bakes at marami pang ibang dulot ng lantarang paggamit ng salitang kalye. At heto kami nandito na parang batang walang maitutulong, nanonood na tila
walang pag-asang mapipigilan ang unti-unting pagbabago ng wika natin.