1 / 3

Diocese of Antipolo San Jose de Ampid Parish

Diocese of Antipolo San Jose de Ampid Parish. Tayo po ay Manalangin para sa Pagpapatayo ng Ating Simbahang Pamparokya sa San Jose de Ampid Rafaela 2. Ama naming mapagmahal, pinupurit pinasasalamatan Ka namin dahil sa iyong walang hanggang kabutihan at kadakilaan.

loyal
Download Presentation

Diocese of Antipolo San Jose de Ampid Parish

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Diocese of AntipoloSan Jose de Ampid Parish Tayo po ay Manalangin para sa Pagpapatayo ng Ating Simbahang Pamparokya sa San Jose de Ampid Rafaela 2

  2. Ama naming mapagmahal, pinupurit pinasasalamatan Ka namin dahil sa iyong walang hanggang kabutihan at kadakilaan. Ibuhos Mo po sa amin ang espiritu ng pagkakaunawaan, katotohanan at kapayapaan. Tulungan Mo po kaming magsumikap ng buong puso upang maunawaan namin kung ano ang nakalulugod sa Iyo nang sa gayon ay maging matapat naming masunod ang Iyong kalooban upang makamit namin ang minimithi naming buhay na walang hanggan. Mapagkalingang Ama, kasalukuyan po naming itinatayo ang simbahang pamparokya ng San Jose de Ampid sa Rafaela II. Ipagkaloob Mong maging masigasig kaming makilahok at tumulong sa dakilang gawaing ito. Ipagkaloob Mong lahat ng aming paggawa ay magsimula sa iyong Inspirasyon at magpatuloy ito sa pamamagitan ng Iyong maingat na pamamatnubay tungo sa matagumpay na pagtatapos ng simbahang ito. Itulot Mo rin po na ang inspirasyon Mong ito ang bibigkis sa amin upang magkaisa, magmahalan at magmalasakitan tanda ng pagiging tunay na mga anak Mong sumusunod sa Iyong kalooban. Dahil dito Ama, hinihiling po naming igawad Mo ang Iyong pagpapala sa bawat isa sa amin upang magampan namin ang aming mga tungkulin at pananagutan ng may pagkakasundo, buong husay at nararapat. Sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria, aming Ina at ni San Jose, aming patron, na tutulong sa amin, patnubayan Mo po kami tungo sa matagumpay na pagpapatapos ng simbahang Pamparokya ng San Jose de Ampid. Ito ang aming samo’t dalangin, sa pangalan ng Iyong bugtong na Anak na si Jesukristo, aming Panginoon at Tagapagligtas, kaisa ng Diyos Espiritu Santo, Magpasawalang hanggan. Amen.

  3. Panalangin para sa Pagpapatayo ng Simbahang Pamparokya ng San Jose de Ampid San Jose de Ampid Parish Rafaela 2 MMXII

More Related