1 / 56

ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS SA IBABAW NG KRUS

ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS SA IBABAW NG KRUS. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS. PANIMULA. Sa araw na ito samahan ninyo ako na muli nating gunitain ang mga pangyayari sa mga huling oras ng Panginoong JesuCristo dito sa ibabaw ng mundo.

kenton
Download Presentation

ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS SA IBABAW NG KRUS

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUSSA IBABAWNG KRUS

  2. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS PANIMULA • Sa araw na ito samahan ninyo ako na muli nating gunitain ang mga pangyayari sa mga huling oras ng Panginoong JesuCristo dito sa ibabaw ng mundo. • Pakinggan natin ang kanyang mga huling pitong salita na kanyang sinabi ayon sa pagkakasulat sa Biblia.

  3. DINAMPOT • PARATANG: • paghihimagsik, • huwag magbayad ng buwis • at pinapaniwala niya ang mga tao na siya si Cristo, isang hari” • ”MOCK TRIAL”

  4. PARUSA • WALANG KATOTOHANAN • PAWANG KABULAANAN • PARUSA: • hagupit

  5. HAGUPIT • NAG-IWAN NG MGA LATAY • NABAKBAK ANG MGA LAMAN SA LIKURAN • HALOS KANYANG IKAMATAY ANG SAKIT NA TINAMO

  6. KORONA • NAGLIKAW NG HALAMANG MATINIK • GINAWANG KORONA

  7. Tumagos sa kalamnan ng kanyang ulo • Bumaon sa kanyang sintido

  8. PULANG ROBA • BINIGYAN NG TAMBO • PINIRINGAN • NILIBAK • NILURHAN • BINUGBOG • MABUHAY ANG HARI NG MGA HUDYO

  9. SINO ANG PALALAYAIN?

  10. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 7 HULING SALITA • "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” • "Sinasabi ko sa iyo: ngayon di'y isasama kita sa Paraiso.” • "Ginang, narito ang iyong anak!" At sinabi sa alagad, "Narito ang iyong ina!"

  11. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 7 HULING SALITA • "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” • "Nauuhaw ako!” • "Naganap na!" • "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!"

  12. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Unang salita Lucas 23:33-34 – Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Jesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. Sinabi ni Jesus, "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

  13. #1.ANG SALITA NGPAGPAPATAWAD

  14. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 1. Ang salita ng PAGPAPATAWAD • Para sa ating mga kasalanan. 1 Pedro 3:18 – ”Sapagkat si Cristo'y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat---ang walang kasalanan para sa mga makasalanan---upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.”

  15. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 1 Corinto 15:3 – “Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa Kasulatan;”

  16. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS B. Para sa ating katubusan • Roma 3:25 – Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. • Efeso 1:7 – Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at sa gayo'y pinatawad na ang ating mga kasalanan.

  17. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Ikalawang salita Lucas 23:43 – Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo: ngayon di'y isasama kita sa Paraiso."

  18. #2. ANG SALITA NG PAGLILIGTAS.

  19. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 2. Ang salita ng PAGLILIGTAS Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, "Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!" Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma'y pinarurusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama." At sinabi niya, "Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo: ngayon di'y isasama kita sa Paraiso."

  20. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • Ang kaligtasan ay hindi nagmumula sa bautismo o pagsapi sa isang iglesiya. • Ang kaligtasan ay hindi nagmumula sa paggawa ng mabuti. (Efeso 2:8-9) • Ang kaligtasan ay nagmumula kay Cristo lamang. (Juan 3:16; Juan 14:6)

  21. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Ikatlong salita Juan 19:25-27 – Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Ginang, narito ang iyong anak!" At sinabi sa alagad,"Narito ang iyong ina!"Mula noon, siya'y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

  22. #3. ANG SALITA NG PAGKALINGA.

  23. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 3. Ang salita ng PAGKALINGA • Ang pagkalinga ng ina sa anak. • Ang pagkalinga ng anak sa ina. • Ang pagkalinga ni Cristo sa atin bilang mga Cristiano

  24. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Ika-apat na salita Mateo 25:46-47 – Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lama sabachthani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"

  25. #4.ANG SALITA NG PAGDADALAMHATI.

  26. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 4. Ang salita ng PAGDADALAMHATI • Ang kanyang mga alagad ay tumakas at siya ay pinabayaan. • Ang kanyang mga kaibigan ay nagtago at siya ay pinabayaan. • Ang kanyang mga kaaway ay nagkaisa upang siya ay mahatulan ng kamatayan at pinabayaang mapako sa krus.

  27. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • At ang pinakamatindi sa lahat....ang kanyang Ama na nasa langit...siya ay pinabayaang magdalamhating mag-isa. • Isaias 53:5-6 – Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ni Yahweh na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap.

  28. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • 2 Corinto 5:21 – Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan niya. • Galacia 3:13 – Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya'y magdusa na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, "Sinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy." • Si Jesus ang nagsilbing kabayaran ng ating kamatayan (Roma 6:23). Siya ay pinabayaan ng Diyos upang tayo na mananampalataya sa kanyang Anak ay hindi mapabayaang magdusa sa dagat dagatang apoy habang panahon.

  29. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Ikalimang salita Juan 19:28-29 – Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, "Nauuhaw ako!" May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig.

  30. #5. ANG SALITA NG PAGKAGANAP.

  31. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 5. Ang salita ng PAGKAGANAP • Batid ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay • Juan 29a - Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. • Alam ni Jesus na ang huling yugto ng kanyang pagdurusa ay natapos na. • Alam ni Jesus na siya bilang kabayaran sa ating mga kasalanan ay naganap na.

  32. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • Batid ni Jesus na natupad na ang Kasulatan (Scriptures) • Juan 29b - at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, "Nauuhaw ako!" • Nakikita ni Juan ang matinding pagkauhaw ni Jesus – Awit 22:15 - Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kapara, ang dila ko'y dumidikit sa bubong ng ngalangala, sa alabok, halos patay na ako ay iniwan na.

  33. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • Batid ni Jesus na kailangang matighaw ang kanyang pagkauhaw • Juan 19:29 - May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. • Si Jesus ay nanghingi ng maiinom upang matighaw ang kanyang pagkauhaw. • Si Jesus ay nangangailangan ng panibagong lakas upang ipagsigawan ang kanyang tagumpay sa ibabaw ng krus.

  34. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Ikaanim na salita Juan 19:30 – Nang masipsip ni Jesus ang alak ay kanyang sinabi, "Naganap na!" Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

  35. #6. ANG SALITA NG PAGWAWAGI.

  36. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 6. Ang salita ng PAGWAWAGI • Ang hiyaw ng tagumpay • Bilang ating kahalili (substitute), • Bilang ating katawan (representative) • Si Jesus ang pumalit sa dapat nating paglagyan na hindi natin kayang gawin.

  37. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • Ang hiyaw ng kaganapan • Tinapos ni Jesus ang kanyang tungkulin sa lupa. • Tinupad ni Jesus ang kanyang tungkulin at wala ng dapat idagdag pa. • Gawa 2: 22 – "Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. • Roma 6:10 – Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo'y para sa Diyos.

  38. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS Ikapitong salita Lucas 23:46 – Sumigaw nang malakas si Jesus, "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!"At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

  39. #7. ANG SALITA NG PAGTITIWALA.

  40. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS 7. Ang salita ng PAGTITIWALA • Sinabi niya ang salitang ito bilang pagsunod sa Kasulatan • Awit 31:5 – ”Kupkupin mo ako at iyong ingatan, ang pagliligtas mo sa aki'y pakamtan; ikaw ang aking Diyos, na tapat at tunay.”

  41. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • Sinabi niya ang salitang ito bilang paggalang sa Diyos • Nang siya ay nananalangin para sa atin - "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa." • Nang siya ay pinabayaang mag-isa - "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" • Nang siya ay malalagutan ng hininga para sa ating mga kasalanan - "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!"

  42. ANG PITONG HULING SALITA NI JESUS • Sinabi niya ang salitang ito bilang ating Tagapamagitan (Mediator) • Isaias 53: 10 - Sinabi ni Yahweh, "Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng kapatawaran. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala. • Mateo 20:28 - ”tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami."

  43. ANG MENSAHE NG KRUS

  44. KATUBUSAN (Ransom) • Marcos 10:45 – ”Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami." • 1 Timoteo 2:6–”si Cristo Jesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon”

  45. KAHALILI (Substitute) • Juan 6:51 – ”Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman." • Roma 8:3 – ”Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Sinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang maging handog para sa kasalanan, at sa anyong iyo'y hinatulan niya ang kasalanan.”

  46. KASUYUAN (Propitiation) Roma 3:25 – ”Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang ipakilalang siya'y matuwid, sapagkat noong una, nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao.”

  47. PAGWAWAGI (Victory) Juan 12:31-32 – "Panahon na upang hatulan ang sanlibutan. Itataboy ngayon sa labas ang pinuno ng sanlibutang ito. At kung ako'y maitaas na, ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao."

  48. PANIMULA (Beginning) Gawa 20:28 – ”Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak.”

More Related