1 / 21

Kataga nag Buhay

Kataga nag Buhay. Hulyo 2012. « Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana ; ngunit ang wala , kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa » (Mt 13,12).

Download Presentation

Kataga nag Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga nag Buhay Hulyo 2012

  2. «Sapagkatangmayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunitangwala, kahitangkakauntingnasakanya ay kukunin pa » (Mt 13,12).

  3. Sinabi ito ni Jesus bilang kasagutan sa kanyang mga disipulo kung bakit siya nangangaral sa pamamagitan ng talinhaga.

  4. Ipinapaliwanag niya na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na malaman ang mga misteryo na kaharian ng langit, ngunit tanging sa mga taong bukas ang kaisipan, sa mga tumatanggap sa kanyang mga salita at isinasabuhay ito.

  5. Sa katunayan ilan sa mga nakikinig sa kanya ay piniling isara ang kanilang mga paningin at pandinig .“Sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi nakakaunawa”.

  6. Ito ang mga taong nakakakita at nakakarinig kay Jesus, ngunit ipinapalagay nila na alam na nila ang lahat ng katotohanan. Hindi nila pinaniniwalaan ang kanyang mga salita at kilos na nagpapatotoo sa kanyang mga salita. Kaya’t ang kakaunting mayroon sila ay mawawala pa.

  7. «Sapagkatangmayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunitangwala, kahitangkakauntingnasakanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

  8. Ano ang kahulugan ng mga salitang ito ni Jesus? Inaanyayahan niya tayo na buksan ang ating mga puso sa Kataga na inihatid niya upang ipahayag sa atin; sa katunayan sa pagtatapos ng ating buhay, hihingan niya tayo ng salaysay kung paano natin ito isinabuhay.

  9. Ang mga isinulat sa Ebanghelyo ay nagpapakita na ang pagpapahayag ng Katagang ito ay sentro ng lahat ng naisin at kilos ni Jesus.

  10. Makikita natin na pumupunta siya sa iba’t ibang bayan, sa mga daanan, plaza, sa mga bukirin, sa mga bahay, sinagoga at nagpapahayag ng mensahe ng kaligtasan. Nagpapahayag siya sa lahat, laluna sa mga mahihirap, sa mga mapagkumbaba, sa mga isinantabi o kinalimutan na ng kanilang komunidad.

  11. Inihahambing niya ang kanyang salita sa liwanag, asin, sa lebadura, at sa isang lambat na inihagis sa dagat, sa binhing itinanim sa parang. Ibinibigay niya ang kanyang buhay upang ang apoy na laman ng kanyang salita ay magningas.

  12. «Sapagkatangmayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunitangwala, kahitangkakauntingnasakanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

  13. Inaasahan ni Jesus na ang salitang kanyang ipinahayag sa atin ay magbabago sa mundo.

  14. Nais niya na tayo ay huwag manatiling walang pinapanigan, maligamgam o walang pakialam sa harap ng pagpapahayag na ito. Hindi niya pinapayagan na ang isang dakilang regalong tulad nito, pagkatapos matanggap ay manatiling walang saysay.

  15. At upang bigyang diin ang kagustuhang ito, muling inihayag ni Jesus ang batas na siyang pinaka pundasyon ng lahat ng buhay-ispiritwal: kung isasabuhay natin ang kanyang Salita, ipakikilala niya sa atin ng malaliman ang mayaman at walang katumbas na kasiyahan ng kanyang kaharian.

  16. Ngunit kung ipagwawalang-bahala natin ang kanyang Salita, kukunin niya ito sa atin at ipagkakatiwala sa iba na makakapagpabunga nito.

  17. «Sapagkatangmayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunitangwala, kahitangkakauntingnasakanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

  18. Kaya’t binabalaan tayo ng Kataga ng Buhay na ito laban sa paggawa ng matinding pagkakamali, ang tanggapin ang Ebanghelyo at gawin lamang itong paksa ng pag-aaral, paghanga at pagtatalo ngunit hindi ang pagsasabuhay nito.

  19. Sa halip, inaasahan tayo ni Jesus na tanggapin ang salita at gawin itong bahagi ng ating pamumuhay sa praktikal na paraan, gawin itong lakas na nagpapasigla sa lahat ng ating gawain, upang sa ating pagpapatotoo, ang Kataga ay maging liwanag, asin at lebadura na unti-unting magpapabago sa lipunan.

  20. Sa buwang ito, tutukan natin ang isa sa maraming Kataga ng Buhay mula sa Ebanghelyo at isabuhay ito. Mapapagyaman natin ang ating kasiyahan ng mas matinding kasiyahan.

  21. «Sapagkatangmayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunitangwala, kahitangkakauntingnasakanya ay kukunin pa» (Mt 13,12). Isinulat ni : Chiara Lubich

More Related