1 / 30

Mula sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga Korinto [1Kor 11, 23-26]

Mula sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga Korinto [1Kor 11, 23-26].

rendor
Download Presentation

Mula sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga Korinto [1Kor 11, 23-26]

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Mula sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga Korinto [1Kor 11, 23-26] “Ito ang katuruang tinanggap ko mula sa Panginoon at ibibigay ko naman sa inyo: nong gabing ipinagkanulo siya, ang Panginoong Hesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon at sinabi, ‘Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalala sa akin.’

  2. Mula sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga Korinto [1Kor 11, 23-26] “Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kalis at sinabi ‘Ang kalis na ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo gawin ninyo bilang pag-aalala sa akin.’ sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito…”

  3. Saligang alaala para kay San Pablo Apostol… May sinasabi sa katotohanan ng mga sarili natin ang alaalang pinahahalagahan natin… Masasagot kung sino tayo sa pamamagitan ng alaalang pinahahalagahan natin… Alaala ng pagtatagumpay? Pagpalakpak sa atin? Panglilibak? Paghihirap? Pag-aaliw? Anong pagpapahalaga ang iginagawad natin sa alaala ni Hesus?

  4. Sumulat si San Pablo Apostol sa mga taga Korinto…… Upang ipaalala ang naipasa sa kanyang katuruan sa huling hapunan ni Hesus Ang naipasa kay Apostol San Pablo ay ipinapasa niya sa mga taga Korinto Ipinapasa hanggang ngayon sa atin ang alaala na ito sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, Misa at Katuruan ng Simbahan Mahalagang alaala na siyang saligan ng ating pagiging kung sino tayo - mga Kristiyano

  5. Turo ng Bibliya upang magkaroon tayo ng pag-unawang may pananampalataya sa Banal sa Eukaristiya

  6. Turo ng Bibliya Paano po natin babasahin at uunawain ang Banal na Kasulatan lalo na ang “Huling Hapunan?”

  7. “pag-unawang may pananampalataya “ Ang “pananampalataya” ay isang pagtingin, pag-iisip at pag-intindi nang may pagtataya

  8. Nakaugat ang “pag-unawang may pananampalataya” sa lahat ng ginawa para sa atin ng Panginoong Hesus Nazareno

  9. Ang “pag-unawang may pananampalataya” samakatuwid ay may pagbibigay ng sarili sa pasasalamat (commitment), tiwala ng puso sa awa ng Diyos at biyaya niya sa tamang panahon

  10. Ang “pag-unawang may pananampalataya” ay pag-unawa ng isang taong nagpapasalamat at umaasa sa Panginoong Hesus Nazareno

  11. Paano uunawain ng isang taong nagpapasalamat at umaasa sa Panginoong Hesus Nazareno ang mababasa niya sa Bibliya tungkol sa Misa?

  12. Apat na mga paglalahad ng huling hapunan sa mga Ebanghelyo: Mateo 26, 20-30 Mk 14, 17-26 Lk 22, 14-20 Jn 13, 21-30 Bagamat ang pinakamatandang tala ay matatagpuan sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Korinto 1 Cor 11, 23-26

  13. Paano uunawain? • May impluwensiya ang pananampalataya ng mga unang Kristiyano sa mga nakatala: • nakasandig ang ating pananampalataya sa kanilang pananampalataya • Testimonya / Patotoo ng mga Apostol • May pagkakaiba-iba ng detalye ayon sa diing nais palitawin ng mga sumulat nang may pananampalataya

  14. Pag-unawa sa Huling Hapunan • Ang historikal na masasabi natin ay ang katotohanang itinatag ni Hesus ang Eukaristiya noong huling hapunan niya • Pagdiriwang ito na nakasentro sa tinapay at alak bilang tumutukoy sa kamatayan ni Hesus

  15. Pag-unawa sa Eukaristiya • Muli alalahaning may pagkakaiba man may mga pagkakasundo din [huling hapunan, tinapay at alak, pagtukoy sa sakripisyo ng pag-aalay buhay ng Panginoong Hesus Nazareno] • Dalawang nagkakasundong tradisyon: Lukas/Pablo at Matteo/Markos • [bersyon ni San Juan]

  16. HanggangsaKasalukuyan • salahatngmisangkatolikoangmgasalitangpagtatatagnabinigkasniHesussaHulingHapunanangnananatilingsinasabingmganagdiriwangnapari o obispo • tinapay at alak pa rinangnasahapagngbawatpagmimisa

  17. Huling Hapunan at Kristiyanong Misa • Kung parehong kilos at wika ni Hesus ang nasa sa bawat misa at kung nagpepresensiya si Hesus sa misa sa pamamagitan ng salita ng Diyos, pari, mga taong nagsisimba at tinapay at alak, Ano po ba talaga ang kahulugan ng ginawa at sinabi niya?

  18. Susi sa Pag-unawa • Propetikong Simbolo ng mga Hebreo • “mga aktong simboliko na ginagawa ng propeta upang tumuro sa isang magaganap sa hinaharap (pangako ng paglligtas o pagpaparusa) • Inuunawa ang akto ng propeta hindi lamang bilang isang pagpapabatid ng mangyayari kundi mismong pagiging sanhi ng mga magaganap”

  19. Mga Halimbawa • Propeta Jeremias [Jer 19, 1-11] • Propeta Isaias [Is 7, 3] • Propeta Balaam [Bilang 22-23] • Ganito rin ang bisa ng propetikong kilos at salita ni Hesus

  20. Samakatuwid ang salita at kilos ni Hesus sa Huling Hapunan sa ritwal ng tinapay at alak na mababasa natin sa Bagong Tipan ay Si Hesus bilang nagbibigay propesiya sa pag-aalay niya ng sarili sa sakripisyo ng krus at muling pagkabuhay

  21. Si Hesus, Huling Hapunan at • Si Hesus ay nakilala natin bilang propeta ngunit alam din nating higit pa siya doon [Anak siya ng Diyos!] • Hindi lamang niya ikinabit ang huling hapunan niya sa pag-aalay niya ng sarili sa krus • Nakapaloob na din sa Huling Hapunan ang Muling Pagkabuhay niya

  22. Implikasyon • Ang propetikong kilos at salita bilang Hebreong simbolo (di lang pagpapabatid kundi pagsasanhi) ay may napakahalagang implikasyon • Anamnesis [pag-aalala] • anamnesis ay buhay na alaala • punong puno ng katotohanan ng ginugunita

  23. anamnesis • Hindi lamang pagbalik sa nangyari sa nakalipas na panahon • pagprepresensiya ngayon • Sa bawat pag-aalala ginagawa natin ang pagsasangayon ng ginawa ni Hesus sa sakripisyo ng krus at pakikibahagi sa kanya sa kalagayan niyang matagumpay at muling nabuhay! • Anamnesis sa pamamagitan ng Espiritu Santo nagpepresensiya si Hesus

  24. Si Hesus at Anamnesis • Sa bisa ng kanyang muling pagkabuhay, pinapakinabanganan natin sa bawat pag-aalala ang kanyang sakripisyo sa krus • Sa misa din natin nararanasan ang natatangi at matinding presensiya ni Hesus sa kasalukuyang panahon

  25. anamnesis / “remembering : making present through participating in the same love that is present in a past event” ang tinapay at alak sa misa ay hindi lamang mga simbolo ng katawan at dugo ni Kristo ngunit sa isang mahiwaga at napakagandang pamamaraan ng Diyos, ito nga ang mga sinasabi ni Hesus tungkol sa mga ito, mismong kanyang katawan at dugo

  26. Saligang Katotohanan • sinasabi po ni Hesus sa atin sa bawat misa: “Ako ito,” upang sa pamamagitan ng pakikibahagi natin sa banal na hapunan napapalapit niya tayo sa kaibuturan ng kanyang sarili • ang pakikibahagi sa tinapay at alak sa misa ay pakikiisa ngayon kay Hesus na muling nabuhay (1cor 10, 16-17; Jn 6, 51; Lk 24, 30-31)

  27. USAPANG ALA-ALA Alaala po ang nagpapatao sa tao, bumubuo ng isang komunidad ng mga tao tulad ng bansa at simbahan

  28. Gaano natin po pinahahalagahan ang mga alaalang binubuo kung sino tayo? Naipapaalala po ba natin sa ating mga anak ang halaga ng misa? Naipapasa po ba natin sa kanila ang ating mga panata at ang halaga ng mga ito? Tinuturuan pa ba natin sila sa halaga ng pangako at ang tungkuling laging alalahanin ito? Nagbibigay halaga pa ba tayo sa pagpapaalala sa kanila ng mga katotohanang makaDiyos?

  29. “Ito ay aming narinig na, kaya naman aming alam. Nagbuhat sa aming ninuno na sa amin ay isinaysay. Sa sarili naming anak ito’y hindi ililihim. Ito’y aming isasaysay sa susunod na lahi namin; mga gawaing tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na ang Panginoong [Hesus Nazareno] ang gumanap, mga gawa niyang dakila….

  30. Ang utos sa ating mga ninuno, dapat nilang ipatupad, ituturo laging ito sa kanilang mga anak. Sa lahat ng lahi nila ito’y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito masusunod nilang lagi ang utos, ang matatag na pag-asa’y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa’y hindi nila malilimot” Awit 78, 3- 7

More Related