1 / 22

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Hulyo 2011. “ Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso . Ang espiritu’y n akahanda ngunit mahina ang laman .” ( Mt. 26:41).

michi
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Hulyo 2011

  2. “Magbantay kayo at manalanginupanghuwag kayongmadaig ngtukso. Angespiritu’y nakahandangunit mahinaanglaman.” (Mt. 26:41)

  3. Ipinahayag ni Hesus ang mga katagang ito kina Pedro, Santiago at Juan nang makita niyang natutulog ang mga alagad noong Siya ay nananalangin sa hardin ng Gethsemane.

  4. Isinama Niya ang tatlong alagad na ito – sila rin ang nakasaksi sa Kanyang pagbabagong anyo sa bundok ng Tabor- upang makapiling Niya sa panahong ito ng paghihirap. Pagkakataon nila ito upang ihanda ang kanilang sarili sa pamamagitan ng panalangin kasama si Jesus, dahil ang mga susunod na pangyayari ay magiging matindi ring pagsubok para sa kanila.

  5. “Magbantay kayo at manalanginupanghuwag kayongmadaig ngtukso. Angespiritu’y nakahandangunit mahinaanglaman.” (Mt. 26:41)

  6. Upang maunawaan ang mga salitang ito, dapat nating isaisip ang mga pangyayari kung saan ang mga ito ay ipinahayag. Ang ibinigay ni Jesus sa kanyang mga alagad ay higit pa sa mga payo. Kailangang makita natin ang mga ito bilang Kanyang kaisipan kung paano Niya inihahanda ang Kanyang sarili para sa pagsubok.

  7. Sa Kanyang nakaambang pagpapasakit, nanalangin Siya ng taimtim, nakikipaglaban sa matinding takot at pangamba sa Kanyang kamatayan. Pagkatapos ay lubos Niyang ipinagkatiwala ang Kanyang sarili sa pagmamahal ng Ama upang Siya ay maging tapat sa kalooban ng Ama hanggang sa wakas at tulungan ang Kanyang mga alagad na magawa din ang Kanyang ginawa.

  8. Nakikita natin dito si Jesus bilang huwaran para sa lahat ng mga humaharap sa pagsubok at bilang kapatid na palaging nasa tabi natin sa sandali ng mga paghihirap.

  9. “Magbantay kayo at manalanginupanghuwag kayongmadaig ngtukso. Angespiritu’y nakahandangunit mahinaanglaman.” (Mt. 26:41)

  10. Madalas na hinihimok tayo ni Jesus na maging mapagmatyag. Para sa Kanya, ang maging mapagmatyag ay yaong di natin hinahayaang manamlay ang ating ispirituwalidad.

  11. Nangangahulugan ito na lagi tayong maging handang tanggapin ang kalooban ng Diyos, maunawaan ang mga palatandaan nito sa pangaraw-araw na pamumuhay, at higit sa lahat, makita ang mga paghihirap at pagdurusa sa liwanag ng pag-ibig ng Diyos.

  12. Hindi mapaghihiwalay ang pagiging handa at ang panalangin sapagkat ang panalangin ay mahalaga upang mapaglabanan ang mga pagsubok.

  13. Ang kahinaan ng tao ay maaaring matalo ng lakas na dulot ng Espiritu Santo.

  14. “Magbantay kayo at manalanginupanghuwag kayongmadaig ngtukso. Angespiritu’y nakahandangunit mahinaanglaman.” (Mt. 26:41)

  15. Paano natin isasabuhay ang Kataga ng Buhay para sa buwang ito?

  16. Kailangan din nating ihanda ang ating sarili na harapin ang mga maliliit at malalaking pagsubok sa bawat araw, mga pagsubok na hindi natin maiiwasang maranasan.

  17. Pinapayuhan tayo ni Jesus na ang unang bagay upang malampasan ang anumang pagsubok ay maging handa.

  18. Kailangan lamang na maunawaan natin na ipinahihintulot ng Diyos na mangyari ito hindi upang panghinaan tayo ng loob kundi upang lumago ang ating ispirituwalidad habang nilalampasan natin ang mga ito.

  19. Kailangan din nating manalangin.

  20. Mahalaga ang panalangin sapagkat may dalawang uri ng tukso kung saan tayo ay madaling mahulog: ang una ay isiping kaya nating gawin ang isang bagay ng mag-isa; at ang pangalawa naman ay ang kabaligtaran nito – ang matakot gawin ang isang bagay at isiping hindi natin ito kaya.

  21. Binigyan tayo ni Jesus ng kasiguruhan na hindi tayo pababayaan ng Ama ng walang gabay ng Espiritu Santo kung tayo ay mananatiling nakahanda at nananampalataya.

  22. “Magbantay kayo at manalanginupanghuwag kayongmadaig ngtukso. Angespiritu’y nakahandangunit mahinaanglaman.” (Mt. 26:41) Chiara Lubich

More Related