1 / 30

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. June 2008. Sinulat ni: Chiara Lubich. “Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.” (1Jn 3:24). Kapag minamahal mo ang isang tao, nais mong makasama siya lagi. Ito rin ang nais ng Diyos, ang Diyos na Pag-ibig.

chinara
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay June 2008 Sinulat ni: Chiara Lubich

  2. “Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.” (1Jn 3:24)

  3. Kapag minamahal mo ang isang tao, nais mong makasama siya lagi. Ito rin ang nais ng Diyos, ang Diyos na Pag-ibig.

  4. Nilikha Niya tayo upang makaugnay Siya. Makakamit lang natin ang kaganapan ng kaligayahan kapag naabot na natin ang matalik na pakikiisa sa Kanya, dahil Siya lamang ang makakapagbigay-kasiyahan sa ating mga puso.

  5. Naparito Siya mula sa langit upang tayo’y Kanyang makasama at madala sa pakikipagkaisa sa Kanya.

  6. Sinabi ni San Juan sa kanyang sulat ang tungkol sa pananatili, “pananahan” sa isa’t isa, ang Diyos sa atin at tayo sa Kanya. Ipinapaalala niya sa atin ang masidhing panawagan ni Jesus sa Huling Hapunan, “Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo.”

  7. Gayundin sa talinghaga ng puno ng ubas at mga sanga, ipinaliwanag ni Kristo ang matibay at mahalagang ugnayan na nagbubuklod sa atin sa Kanya.

  8. Ngunit paano natin mararating ang pakikiisa sa Diyos? Hindi nag-atubili si San Juan na sabihing: dapat lang nating sundin ang Kanyang mga utos:

  9. “Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.”

  10. Mayroon bang mga utos na dapat sundin upang marating ang pagkakaisang ito? Wala, dahil pinagsama na ni Jesus ang lahat ng ito sa iisang utos.

  11. Bago Niya sinabi ang Kataga ng Buhay na napili ngayong buwang ito, pinaalalahanan tayo ni San Juan, “Ito ang kanyang utos: manalig tayo sa kanyang Anak na si Jesukristo, at mag-ibigan, gaya ng iniutos ni Kristo sa atin.”

  12. Ito lamang ang tanging batas: manalig kay Jesus at magmahalan tulad ng pag-ibig Niya sa atin.

  13. Kung ang kaganapan ng buhay ng tao ay nasa pananahan ng Diyos sa ating piling, iisa lamang ang paraan upang maging ganap tayo: magmahal!

  14. Matibay ang paniniwala ni San Juan dito kaya’t patuloy niyang inuulit ito sa sulat niya: “Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos”; “Kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos.”

  15. Ayon sa tradisyon, noong matanda na si San Juan, tinanong siya tungkol sa mga turo ng Panginoon at lagi niyang inuulit ang bagong utos ni Jesus. Kung tatanungin siya kung bakit hindi siya bumabanggit ng iba, sasagot siya, “Dahil ito ang utos ng Panginoon! Kung isasabuhay natin ito, sapat na ito.”

  16. Gayundin ang bawat Kataga ng Buhay: tiyak na dadalhin tayo nito tungo sa pag-ibig, wala ng iba pa, dahil ang Diyos ay Pag-ibig. Bawat salita Niya ay naglalaman ng pag-ibig, nagpapahayag ng pag-ibig at kung ating isasabuhay ay babaguhin tayo nito at gagawing pag-ibig.

  17. “Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.”

  18. Inaanyayahan tayo ng Kataga ng Buhay na manalig kay Jesus at sumunod nang buong puso sa Kanyang katauhan at mga turo. Hinihiling nito sa atin na maniwala tayo na Siya ang pag-ibig ng Diyos – tulad ng muling itinuturo sa atin ni San Juan sa sulat na ito – at bilang pagmamahal ay ibinigay Niya sa atin ang Kanyang buhay.

  19. Inaanyayahan tayo nito na maniwala kahit parang napakalayo Niya, o kung hindi natin nararamdaman ang Kanyang presensya, o kapag may mga pagsubok at paghihirap… Dahil pinalalakas tayo ng ganitong pananampalataya, alam nating mamuhay tulad ng Kanyang halimbawa at sumunod sa Kanyang utos na magmahalan tulad ng pag-ibig Niya sa atin.

  20. Magmamahal tayo kahit parang hindi na kaibig-ibig ang isang tao, kahit palagay natin ay hindi sapat, walang saysay at hindi sinusuklian ang ating pag-ibig.

  21. Sa ganitong paraan, mabubuhay muli ang mga ugnayan at ito ay magiging higit na tapat at malalim. Dahil sa ating pagkakaisa, ang Diyos ay mananahan sa ating piling.

  22. “Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.”

  23. Ito ang karanasan ng isang mag-asawa: “Tunay kaming nagmamahalan ng aking asawa. Maayos ang lahat noong mga unang taon ng aming pagsasama. Ngunit nitong huling taon, pagod na pagod siya at maraming problema. Dito sa Japan, ang pananagutan sa trabaho ay masyadong nagpapabigat sa isang tao.

  24. Isang gabi, pag-uwi ng asawa ko mula sa trabaho, naupo siya sa hapag-kainan para sa hapunan. Uupo na sana ako sa tabi niya nang sumigaw siya at sinabing lumayo ako sa kanya, “Wala kang karapatang kumain dahil hindi ka nagtatrabaho!”

  25. Umiyak ako buong gabi at naisip kong iwanan siya at makipaghiwalay. Nang sumunod na araw, napakaraming bagay ang dumaan sa isipan ko: “Nagkamali akong sa pagpapakasal sa kanya. Hindi na ako maaaring makisama sa kanya.”

  26. Noong hapon ay nakipag-usap ako sa aking mga kaibigan na kabahagi ko sa pagnanais na mamuhay bilang tunay na Kristiyano. Nakinig sila sa akin nang buong pagmamahal. Mula sa pagkakaisa namin ay nakakuha ako ng tibay at lakas ng loob na kailangan ko upang magsimulang muli.

  27. At umuwi ako upang ipaghandang muli ng hapunan ang asawa ko.

  28. Ngunit habang papalapit ang oras ng pag-uwi niya mula sa trabaho, bumabalik at nagiging malakas ang takot ko. “Ano kaya ang gagawin niya ngayong gabi?” Ngunit may tinig sa puso ko na nagsasabi, “Huwag kang susuko. Tanggapin mo ang pagsubok na ito. Patuloy kang magmahal.

  29. At dumating ang asawa ko, may dalang cake para sa akin at ang sabi. “Patawarin mo ako sa nangyari kagabi,” sabi niya.

  30. “Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.”

More Related