1 / 12

EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA

esp 9 module

Noel23
Download Presentation

EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. PANGALAN:_____________________________________ 9 BAITANG/SEKSYON:___________________________ EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kwarter I - Modyul 8 Kahalagahan ng Magandang Ekonomiya CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

  2. Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS) Kwarter I –Modyul 8: Kahalagahan ng Magandang Ekonomiya Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS) Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City Telephone No.: (048) 434 9438 Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets Manunulat: Analen N. Gerbolingo Pangnilalamang Patnugot: Robelyn P. Bonilla Editor ng Wika: Tagawasto: Robelyn P. Bonilla Tagasuri: Shirley F. Lilang, EPS-EsP, Armor T. Magbanua PhD Tagaguhit: Daniel C. Tabinga Jr. Tagalapat: Analen N. Gerbolingo Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V SDS Loida P. Adornado PhD CESO VI ASDS Cyril C. Serador PhD CID Chief Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager Shirley F. Lilang EPS- EsP Eva Joyce C. Presto PDO II Rhea Ann A. Navilla Librarian II Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon Armor T. Magbanua, Glenda T. Tan at Joseph Aurello

  3. Aralin 1 Kahalagahan ng Magandang Ekonomiya MELC:Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.(EsP9PLle-3.2) Napapatunayan na: a.Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat- walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap. b.Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag–unlad kundi sa pag- unlad ng lahat.(EsP9PLlf-3.3) Mga Layunin: 1.Natutukoy ang tulong na magagawa ng ekonomiya sa pag-unlad ng mga tao. 2.Naiisa-isa ang mga kagandahang maidudulot ng mabuting ekonomiya. 3.Naitatala ang mga positibong pag-uugali na dapat taglayin ng bawat mamamayan upang makatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pang- ekonomiya ng lahat. Subukin Natin Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. _____1. Sino ang maaring tumulong sa pamahalaan upang makalikha ng trabaho? A.Bangko B.Foreign investor ______2. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pag-unlad ng isang ekonomiya? A.Nakapagtatanim ang magsasaka sa lupain ng mayayaman. B.Nakapagbibigay ng trabaho sa lahat ng mamamayan. C.Nakapag-aral ang mga bata sa Day Care. D.May maayos na kalsada ang isang barangay. _____3. Sa iyong palagay may maidudulot ba sa pag-unlad ng ekonomiya ang pagtutulungan ng bawat isa? A.Oo, sapagkat mas mabilis ang pag-unlad B.Oo, dahil bibigyan ng puhunan ang nasa laylayan C.Wala, dahil iba-iba ang paniniwala ng tao. D. Wala, sapagkat mas marami ang mahirap sa mayaman. _____4. Paano makatutulong ang ekonomiya sa paglutas ng tumataas na bilang ng mga “unemployed” o walang trabaho sa isang bansa? A.Pagkakaroon ng trabaho dahil sa foreign investors. B.Pagtatanim ng gulay sa bakuran C.Makakapagnegosyo ang nasa laylayan dahil sa pautang na may porsyento. D.Makapagtrabaho tuwing bakasyon dahil sa SPES Program. C. Mga magsasaka D. Mga Senador 1

  4. ______5. Si Chelsea ay anak ng mag-asawang negosyante. Maalwan ang kaniyang kinagisnang pamumuhay. Isang araw, nanghiram ng pera ang kanilang empleyado sa kanyang magulang para ipadala sa anak na nag-aaral sa malayong lugar.Ipababawas lang daw sa kaniyang sahod. Hindi pumayag ang kaniyang mga magulang. Narinig ito ni Chelsea.Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Chelsea, ano ang pinakamabuti at nararapat mong gawin? A.Hahayaan ko ang aking mga magulang sa kanilang desisyon. B.Kukuha ng pera sa kaha at ibibigay sa tauhan. C.Kakausapin ng masinsinan ang magulang. D.Hihiram sa lolo at ibibigay sa empleyado. Ating Alamin at Tuklasin Paghawan ng Balakid Magandang ekonomiya – napauunlad ang lahat- walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap at hindi lamang iniisip ang sariling pag-unlad kundi sa pag- unlad ng lahat. Mahalaga ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya sa bawat nilikha ng Diyos. Ito rin ang sukatan ng kaunlaran ng pamumuhay ng bawat tahanan. Kaunlaran na dapat maranasan at maramdaman ng lahat ng kasapi ng lipunan. Mangyayari lamang ito kung patas ang turing sa lahat. Ayon nga sa isang tanyag na mamamahayag na si Mel Tiangco ng GMA 7 at paulitulit niya itong binabanggit, “Walang kinikilingan, serbisyong totoo lamang”. Gusto mo bang malaman na ang magandang ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap at hindi lamang iniisip ang sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat? Pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, makatutulong sa paglutas sa unemployment sa bansa. (Pinagkunan: “Pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, makatutulong sa paglutas sa unemployment sa bansa” May 30,2013, accessed June 13, 2020, www.untvweb.com) 2

  5. Makatutulong ba ang ekonomiya sa pag-unlad ng mga tao? Marami tayong kontribusyong naibabahagi sa pag-unlad ng ating bayan, hindi lang natin ito napapansin. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging madiskarte sa buhay sa marangal na paraan. Hindi tayo basta basta nadadaig ng mga pagsubok na nararanasan natin araw-araw. Sa mga ganitong sitwasyon naipapakita natin na kaya nating ibangon at paunlarin ang antas ng ating pamumuhay at kabuhayan.Huwag tayong magpapadala sa mga negatibong puna at paninira ng iba. Sa halip, gamitin natin itong motibasyon at inspirasyon. Mangarap ka! Pagsikapan mong abutin ang lahat ng mithiin mo sa buhay. Samahan mo na rin ng panalangin at manalig sa Diyos . Bilang mag-aaral sa Ika-9 na Baitang, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral. Pagsumikapan mong matapos ang iyong pag-aaral sa kolehiyo. Upang hindi ka mahirapang maghanap ng trabaho.Kapag ikaw ay ganap ng empleyado, sikapin mong maging produktibo at hindi maging pabigat sa gobyerno. Kung ang papasukin mo naman ay mundo ng politika, sikapin mong maging daluyan ka ng kabutihan ng lahat at hindi ng nakararami lalo na sa panahon ng kalamidad at problema. “Life is a choice”. Simulan natin ang pagpapa-unlad sa ating sarili. Sikapin nating maging positibo sa buhay. Gawin natin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa iyo, sa kapwa, sa pamayanan at sa bansang Pilipinas. Lagi nating isipin ang magagawa nating kabutihan para sa iba at hindi ang magagawa ng iba para sa atin. Iwaksi natin ang mga kaisipan at gawang walang maidudulot na kabutihan para sa lahat. Alalahanin mo na ang pagtulong mo sa iyong sarili ay pagtulong mo na rin sa kaunlaran ng ekonomiya ng bayan. Lalong lalo na sa ating panahon ngayon na ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya. Ang simpleng pagtatanim mo ng gulay sa iyong bakuran at pagsunod mo sa mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan ay pagpapakita ng pakikiisa at pagsang-ayon mo sa layunin ng pamahalaan. Tandaan, ang maunlad na ekonomiya ng bayan ay mukha ng kabuhayan at pamumuhay ng bawat mamamayan Mga Positibong Pag-uugali na Dapat Taglayain ng Bawat Mamamayan Upang Makatulong sa Pagpapabuti ng Kalagayang Pang Ekonomiya 1.Nakukuntento sa mga bagay na mayroon ka. 2.Binabadyet nang maayos ang perang kinikita sa araw-araw. 3.Binibili lamang ang mga bagay na higit at kinakailangan 4.Kumukuha lamang ng sapat na mga natural resouces at gamitin ito sa tama. 5.Natututong magtipid at magsinop sa lahat ng mga biyaya na mayroon ka sa ngayon. (Pinagkunan: Gayola, Sheryll T. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 : Modyul para sa Mag-aaral, FEP Printing Corporation. Unang Edisyon 2015, 42-45) 3

  6. Tayo’y Magsanay Gawain 1 Panuto: Lagyan ng kung ang pahayag ay nagpapakita ng tulong na magagawa ng ekonomiya sa pag-unlad ng mga tao at naman kung hindi. _1. Ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay nananatiling mahirap. 2. Maraming foreign investors ang nagkakaroon ng kumpyansa na magnegosyo sa isang bansa. 3. Lumilikha ng maraming trabaho ngunit ipinapairal ang palakasan system. _4. Umuunlad ang pamumuhay ng mga tao. _________ 5.Mayroong sapat na pantustos ang pamilya sa kanilang mga pangangailangan. Gawain 2 Panuto: Isa isahin ang kagandahang maidudulot ng mabuting ekonomiya sa lipunan. Isulat mo sa bawat bulaklak na kumakatawan sa bilang ng pahayag na nasa kaliwa ang letrang M kung ito ay dulot ng mabuting ekonomiya at DM naman kung HINDI 1. Nagkakaroon ang bawat pamilya ng 3. __ 1.____ desenteng tahanan Higit na yumayaman ang may posisyon sa gobyerno Umununlad ang pamayanan Nagkakaroon ng kapayapaan sa pamayanan 2. 2.__ 4.__ Mabuting Ekonomiya 3. 4.__ 4. 1.__ 5. Nagkakaroon ng magandang programang pang kalusugan 5.__ Bilang kabataan, ano ang maaari mo pang gawin upang makamit ang mithiing magkaroon ng magandang ekonomiya? 4

  7. Ating Pagyamanin Gawain 1 Panuto: : Tukuyin ang mga positibong pag-uugali na dapat taglayin ng bawat mamamayan upang makatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pang ekonomiya . Kulayan mo ng ORANGE ang mga lata na naglalaman ng mga positibong pag-uugali at GREEN naman kapag HINDI. Nakukuntento sa mga bagay na mayroon ka. Binabadyet ng maayos ang perang kinikita sa araw-araw. 1 2 Binibili lahat ng ang mga bagay na magustuhan kahit hindi naman kinakailangan 3 Natututong magtipid at magsinop sa lahat ng mga biyaya na mayroon ka sa ngayon. Kumukuha lamang ng sapat na mga natural resouces at gamitin ito sa tama. 4 5 Gawain 2 Panuto: Lagyan ng ang mga larawan na nagpapakita ng lipunang may mabuting ekonomiya. 1.____ _ 2.___ 3. ___ 4.___ 5.___ Naging matagumpay ba ang iyong paglalakbay sa araling ito? 5

  8. Ang Aking Natutuhan Panuto: Kumpletuhin ang talata sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang upang mabuo ang diwa nito. Pandemya patas pagsumikapang ekonomiya sarili bayan Alalahanin mo na ang pagtulong mo sa iyong1.__________________ ay pagtulong mo na rin sa kaunlaran ng 2.___________________ng bayan. Lalong lalo na sa ating panahon ngayon na ang buong mundo ay nakararanas ng 3. ________________. Lahat ng magagawa na makabubuti sa lahat ay 4. ________________ ibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng 5. __________________ na pamamaraan. \ Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. _____1. Ang sumusunod ay hindi makatutulong sa pamahalaan upang makalikha ng trabaho, MALIBAN sa isa. A.Bangko B.Foreign investor ______2. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pag-unlad ng isang ekonomiya? A.Nakapagtatanim ang magsasaka sa lupain ng mayayaman. B.Nakapagbibigay ng trabaho sa lahat ng mamamayan. C.Nakapag-aral ang mga bata sa Day Care. D.May maayos na kalsada ang isang barangay. _____3. Mayroon bang maidudulot sa pag-unlad ng ekonomiya ang pagtutulungan ng bawat isa? A.Oo, sapagkat mas mabilis ang pag-unlad B.Oo, dahil bibigyan ng puhunan ang nasa laylayan C. Wala, dahil iba-iba ang paniniwala ng tao. D. Wala, sapagkat mas marami ang mahirap sa mayaman. Ating Tayahin C. Mga magsasaka D. Mga Senador 6

  9. _____4. Sa papaanong paraan makatutulong ang ekonomiya sa paglutas ng tumataas na bilang ng mga “unemployed” o walang trabaho sa isang bansa? A.Pagkakaroon ng trabaho dahil sa foreign investors. B.Pagtatanim ng gulay sa bakuran C.Makakapagnegosyo ang nasa laylayan dahil sa pautang na may porsyento. D.Makapagtrabaho tuwing bakasyon dahil sa SPES Program. ______5. Si Chelsea ay anak ng mag-asawang negosyante. Isang araw, nanghiram ng pera ang kanilang empleyado sa kanyang magulang para ipadala sa anak na nag-aaral sa malayong lugar. Ipababawas lang daw sa kaniyang sahod. Hindi pumayag ang kaniyang mga magulang. Narinig ito ni Chelsea. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Chelsea, alin sa sumusunod ang pinakamabuti at nararapat mong gawin? A.Hahayaan ko ang aking mga magulang sa kanilang desisyon. B.Kukuha ng pera sa kaha at ibibigay sa tauhan. C.Kakausapin ng masinsinan ang magulang. D.Hihiram sa lolo at ibibigay sa empleyado. 7

  10. Subukin 1. B Tayo’y Magsanay Gawain 1 Susi sa Pagwawasto 2. B 3. A 4. A 5. C 1. 2. 3. 4. 5. Gawain 2 1. M Ating Pagyamanin Gawain 1 1.ORANGE 2. ORANGE Gawain 2 1. 2. 3. 4. 5. Ang Aking Natutuhan 1.sarili 2. ekonomiya 3.pandemya 4.pagsusumikapang 5. patas Ating Tayahin 1. B 2. B 3. A 2. DM 3. M 4. M 5. M 3. GREEN 4. ORANGE 5.ORANGE 4. A 5. C 8

  11. Modyul Sanggunian Sheryll T. Gayola, Guevara, Goeffrey A., Bontia,Maria Tita Y., Rivera, Suzanne M., Celeste, Elsie G., Leano, Marivic R., Yumul, Benedick Daniel O., Miranda, Aprilyn G. at Alagbate,Nestor R. Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-aaral, Meralco Avenue, Pasig City: Department of Education, FEP Printing Corporation. Unang Edisyon 2015. Website “Pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, makatutulong sa paglutas sa unemployment sa bansa” May 30,2013, accessed June 13, 2020, www.untvweb.com 9

  12. A. PARA SA MAG-AARAL Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI FEEDBACK SLIP 1.Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito? 2.Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad para sa iba at ibang gawain para sa iyong pagkatuto? 3.Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito? 4.Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?) B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito? Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit) Contact Number : __________________________________ Wala PANGALAN NG PAARALAN: Pangalan at Lagda ng Guro: Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay: Petsa ng Pagtanggap ng CLAS: Petsa ng Pagbalik ng CLAS: 10

More Related