E N D
Ayonkay G. Alejandro G. Abadilla... Nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita-sanay at salaysay.
Ito ay panitikang naglalahad ng opinyon, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang mahalaga, makabuluhan, at napapanahong isyu.
PORMAL O MAANYO • Sanaysay na tinatawag ding “impersonal” • Naglalahad ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng maka-agham at lohikal na pagsasaayos ng mga impormasyon. • “maanyo” rin kung ito ay ituring sapagkat talagang pinag-iisipan
Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin • Ang tono ay seryoso, pa-intelektwal at walang halong pagbibiro. • Inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng mga aksyon pagkatapos.
ANG PAG-IBIG Emilio jacinto …Sa lahat ng damdamin ng puso ng Tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal at ang kapwa Tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, Hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaran at ang kasakiman.
ANG NINGNING AT LIWANAGEmilio Jacinto ….Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang caruaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw…
DI-PORMAL O MALAYA • Mapang-aliw • Nagbibigay-saya sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at personal na isyung maaaring magpakilala sa personalidad ng manunulat
Ang pananalita ay parang sa magkaibigan na nag-uusap lamang kaya magaan at madaling intindihin • Palakaibigan ang tono • Maaaring maging subhektibo ang daloy dahil maaaring magpakita ng personal na damdamin o pananaw ng may-akda.
TEMA AT NILALAMAN Anoman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin ng pagkasulat nito at kaisipang binahagi. Ano ang tema at nilalaman ng unang sanaysay na binasa natin? Ang ikalawa?
ANYO AT ESTRUKTURA Ito ang maayos at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya o pangyayari sa sanaysay. Paano ang daloy o takbo ng sanaysay na Americanisasyon? Ang sanaysay na “Anong Uri Ka ng Kaibigan?”
WIKA AT ESTILO Ang wikang ginagamit ng may-akda sa pagsusulat ng sanaysay. Ito ay nakabatay sa uri ng sanaysay na isinulat.
PANIMULA • Ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa. • Dapat nakakapukaw ng atensyon upang ipagpatuloy ng may-akda ang pagbasa ng akda.
Ang Pagpupuyat Ang pagpupuyat ay isang pangkaraniwang gawain sa modernong panahon. Maraming tao, lalo na ang mga kabataan, ang pumipili na manatiling gising hanggang hatinggabi o lampas pa upang tapusin ang mga gawain, maglibang, o makipag-ugnayan sa mga kaibigan. Ngunit sa likod ng tila walang malay na pagkiling sa pagpupuyat ay ang katotohanan na may malalim itong epekto sa ating kalusugan at pang-araw-araw na buhay.
KATAWAN • Sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos tungkol sa tema at nilalaman ng sanaysay. • Dapat itong ipaliwanag nang maayos ng may-akda upang maunawaan ito ng mga mambabasa.
Katawan Unang-una, ang pagpupuyat ay maaaring magdulot ng mga pisikal na problema. Ang katawan natin ay nangangailangan ng sapat na tulog upang magpahinga at maghilom. Kapag kulang tayo sa tulog, bumababa ang ating resistensya laban sa mga sakit. Mas nagiging madaling kapitan ng sipon, ubo, at iba pang karamdaman ang mga taong laging nagpupuyat. Bukod dito, ang patuloy na kakulangan sa tulog ay maaaring humantong sa mas malubhang sakit tulad ng diabetes, altapresyon, at iba pa.
Katawan Pangalawa, ang pagpupuyat ay may epekto rin sa ating pag-iisip at emosyon. Ang utak ay nangangailangan ng tulog upang magproseso ng impormasyon at magbalik ng enerhiya. Kapag kulang tayo sa tulog, nagiging mahina ang ating konsentrasyon, at mas nagiging mahirap para sa atin ang pag-unawa at pag-alaala sa mga bagay-bagay. Maaari ring maapektuhan ang ating emosyon, na nagiging sanhi ng pagiging iritable, mainitin ang ulo, at kawalan ng pasensya.
Katawan Sa kabila ng mga ito, marami pa rin ang nagpupuyat dahil sa mga pangangailangan ng trabaho o pag-aaral. Ang mga deadline, exam, at iba pang mga responsibilidad ay madalas na nagiging dahilan upang isantabi ang tulog. Gayunpaman, mahalagang maunawaan natin na ang pagpupuyat ay hindi isang mabisang solusyon. Sa katunayan, ang patuloy na pagpupuyat ay maaaring magpababa ng kalidad ng ating trabaho at magdulot ng mas malaking stress sa bandang huli.
WAKAS • Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay • Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang tinalakay ng sanaysay.
Wakas May mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang pagpupuyat. Una, magplano ng mga gawain at oras upang hindi masyadong maipon ang trabaho sa gabi. Pangalawa, iwasan ang mga nakakaabala tulad ng paggamit ng gadgets bago matulog dahil maaaring makaapekto ang mga ito sa ating pagtulog. Pangatlo, subukang maglaan ng sapat na oras para sa pahinga at isantabi ang oras para sa sarili.
Wakas Sa huli, ang pagpupuyat ay isang gawain na may malalim na epekto sa ating kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Bagaman may mga pagkakataon na hindi ito maiiwasan, mahalaga pa rin na bigyan natin ng pansin ang halaga ng pagtulog at pahinga. Sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras at disiplina, maaari nating maiwasan ang pagpupuyat at mapanatili ang kalusugan ng ating katawan at isipan.
May malawak na karanasan o kaalaman sa paksa • Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa • Nakapipili ng epektibo at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
Malinaw at hindi matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman tungkol sa paksa • May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa
Takdang-Aralin • Basahin ang sanaysayni Plato na ‘Alegorya ng Yungib’ samp. 32-35
ALEGORYA O ‘ALLEGORY’ A story, poem, or picture which can be interpreted to reveal a hidden meaning, typically a moral or political one. -Oxford Dictionary ‘matalinhagang salaysay’
lungib kweba malaman maunawaan problema sagabal nakita natunton peke hindi totoo mapaniwala mahalina nag-alinlangan hindi matiyak mataas hindi maabot nagtataka nalilito kalunos-lunos kaawa-awa
Tayahin D A C
B Tayahin A D
C Tayahin B B
C Tayahin
Banaba 10- 0 9- 0 8- 3 7- 6 6-16 5- 12 4- 1 3- 3 2- 1 1-
Lanete 10- 0 9-0 8-2 7-10 6-13 5-8 4-5 3-3 2-2 1-