1 / 32

Kataga ng Buhay Abril 2014

Kataga ng Buhay Abril 2014. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” (Jn 13:34).

rosina
Download Presentation

Kataga ng Buhay Abril 2014

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. KatagangBuhay Abril 2014

  2. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” (Jn 13:34)

  3. Maaaring nais nating malaman kung kailan sinabi ni Jesus ang mga katagang ito. Bago magsimula ang kanyang hirap at pagpapakasakit, bahagi ito ng Kanyang huling pamamaalam sa Kanyang mga alagad,

  4. kaya’t ito ay labis na mahalaga.

  5. Kung ang mga katagang sinasambit ng isang ama sa huling sandali ng kanyang buhay ay hindi makakalimutan, paano natin dapat ituring ang mga salita ng isang tao na isang Diyos? Dapat nating tanggapin ito ng taimtim. Sama-sama nating subukan unawain ito ng ganap.

  6. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

  7. Malapit nang pumanaw si Jesus at ipinapahayag ito ng Kanyang mga salita. Dahil sa nalalapit Niyang pagpanaw, isang suliranin ang nangingibabaw sa Kanyang isipan: paano Siya mananatili sa piling ng Kanyang mga alagad at alagaan ang sumisibol na Simbahan?

  8. Alam natin na si Jesus ay naroroon sa mga sakramento. Halimbawa, sa Banal na Misa, tunay na naroroon Siya sa Eukaristiya.

  9. Subalit si Jesus ay naroon din kung saan ang mga tao ay nagmamahalan. Sapagkat sinabi Niya sa atin, “Kung saan may dalawa o tatlo na natitipon sa Aking pangalan (at ito ay nagaganap sa pamamagitan ng pagmamahalan) naroon Ako sa kanilang gitna” (Mt 18,20).

  10. Kaya’t sa isang pamayanang ang buhay ay malalim na nakaugat sa pagmamahalan, maaari Siyang patuloy na manatili.

  11. Sa pamayanang ito, patuloy Niyang maipapahayag ang Kanyang sarili sa mundo at magkaroon ito ng pagbabago.

  12. Hindi ba ito ay kahanga-hanga? Hindi ba ito nagtutulak sa atin na isagawa agad ang pagmamahal na ito sa kapwa Kristiyano?

  13. Sang-ayon kay San Juan, ang nagtala ng katagang atin pinagninilayan, ang pagmamahalan ang ipinakaunang utos ng Simbahan, at ang kanyang tungkulin, sa katunayan, ay maging pagkakaisa.

  14. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

  15. Pagkatapos Niyang bigkasin ang mga katagang ito, sinabi ni Jesus, “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad Ko” (Jn 13,35).

  16. Kaya’t kung nais nating malaman kung sino ang tunay na alagad ni Kristo, kung nais nating malaman ang kanilang natatanging katangian, ito ay sa kanilang pagmamahalan. Makikilala ang mga Kristiyano sa palatandaang ito. Kung wala ito, si Jesus ay hindi na makikita ng mundo sa Simbahan.

  17. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

  18. Ang bunga nga pagmamahalan ay pagkakaisa. Sinabi ni Jesus, “... Nawa ang lahat ay maging isa... upang maniwala ang mundo...” (Jn 17,21).

  19. Dahil ipinahahayag ng pagkakaisa ang presensiya ni Kristo, Siya ang umaakit sa mundo upang sumunod sa Kanya. Kapag nakikita ng mundo ang pagkakaisa at pagmamahalan, maniniwala ito kay Jesus.

  20. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

  21. Sa pamamaalam ding ito, tinawag ni Jesus ang kautusang ito na “Kanya”. Ito ay Kanya, kaya’t ito ay tunay na malapit sa Kanyang puso.

  22. Hindi natin ito dapat ituring lamang bilang isang pamantayan o alituntuning dapat sundin, o kaya ay isa na namang kautusan. Dito ay nais ipahayag sa atin ni Jesus ang isang uri ng pamumuhay, Nais Niyang ibigay sa atin ang isang bagay na maaaring batayan ng ating buhay.

  23. Sa katotohanan, ang kautusang ito ang ginawang batayan ng mga unang Kristiyano sa kanilang pamumuhay. Kagaya ng sinabi ni Pedro: “Una sa lahat, maging palagian ang inyong pag-iibigan” (1Pd. 4:8).

  24. Bago magtungo sa trabaho, sa paaralan, o dumalo sa Misa, o magsimula ng kahit anong gawain, tiyakin na mayroong pagmamahalan sa pagitan natin o kung kanino man sa ating kasambahay. Kung mayroong pagmamahalan, lahat ng ating gagawin ay may kabuluhan. Kung wala angg batayang ito, walang anumang kalugod-lugod sa Diyos.

  25. Sinabi rin ni Jesus na “bago” ang kautusang ito. “Ibinibigay ko sa inyo ang isang bagong utos”. Ano ang ibig niyang sabihin, na dati ay hindi alam ang kautusang ito? Hindi. Ipinahihiwatig ng salitang “bago” na ito ay nabibilang sa “bagong panahon”. Kung gayon, anong uri ng pagmamahal ang tinutukoy Niya dito?

  26. Namatay si Hesus para sa atin. Kaya’t ang pagmamahal na ito ang pinakadakila. Ngunit anong uri ito ng pagmamahal? Siguradong hindi ang pagmamahal na kagaya ng sa atin. Ang pagmamahal Niya noon at ngayon ay dakila at makalangit. Sa katunayan ay sinabi Niya, “Kung paanong minahal ako ng Ama, gayundin minamahal Ko kayo” (Jn 15:9). Minahal Niya tayo kagaya ng pagmamahal na namamagitan sa Kanya at sa Ama.

  27. Sa ganitong uri ng pagmamahal dapat tayong magmahalan upang maisakatuparan ang “bagong” utos. Subalit, bilang tao, tayo ay hindi nagtataglay ng ganitong uri ng pagmamahal.

  28. Ngunit magpasalamat tayo dahil bilang mga Kristiyano, nakamtan na natin ito. Itinanim ito ng Espiritu Santo sa ating puso, at sa lahat ng mananampalataya.

  29. Kung gayon ay mayroong ugnayan sa Ama, at sa Anak tayong mga Kristiyano dahil sa natatangi, dakila at makalangit na pagmamahal na ating tinataglay. Ang pagmamahal na ito ang nagpapakilala sa atin sa buhay ng Santatlo, dahilan upang maituring tayong mga anak ng Diyos.

  30. Kaya’t ang pagmamahal na ito ang bigkis na nagbubuklod sa langit at lupa sa masiglang paraan. Sa pamamagitan nito, nakikibahagi ang pamayanang Kristiyano sa buhay ng Diyos at ang Diyos ay nananatili sa lupa, saan man ang mga mananampalataya ay nagmamahal sa isa’t isa.

  31. Hindi ba napakaganda ang lahat ng ito? Gayundin, ang buhay Kristiyano ay tunay na kamangha-mangha!

  32. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” Isinulat ni Chiara Lubich

More Related