1 / 28

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Setyembre 2011. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.” (Lc 15:32).

lonato
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Setyembre 2011

  2. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)

  3. Ang pangungusap na ito ay matatagpuan sa katapusan ng talinghaga tungkol sa alibughang anak, na tiyak na narinig na ninyo. Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa kanyang mga alagad upang ipakita sa atin ang kadakilaan ng kabutihang-loob ng Diyos.

  4. Tinatapos nito ang buong kabanata ng Ebanghelyo ni San Lukas, kung saan isinalaysay ni Jesus ang dalawa pang talinghaga na may magkatulad na tema.

  5. Naaalala ba ninyo ang kabanata ng nawawalang tupa kung saan ang nagmamay-ari, upang ito ay matagpuan, ay iniwan ang siyamnapu’t siyam na tupa sa disyerto?

  6. At naaalala ba ninyo ang kwento ng nawawalang salaping pilak at ang kagalakan ng babae kung saan, nang matagpuan niya ito, tinawag ang kanyang mga kaibigan at kapitbahay, upang sila ay makipagsaya sa kanya?

  7. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)

  8. Isa itong paanyaya na iniaalok ng Diyos sa iyo, at sa lahat ng sumasampalataya, upang makigalak sa Kanya, magdiwang at makibahagi sa kanyang kagalakan sa pagbabalik ng makasalanang nawala at muling nasumpungan.

  9. Sinabi ito ng ama sa kanyang nakatatandang anak na sa buong buhay niya ay namalagi sa piling niya. Pag-uwi ng anak na ito galing sa maghapong pagtatrabaho, ayaw niyang pumasok sa kanilang tahanan kung saan may kasayahan dahil nagbalik ang kanyang kapatid na umalis upang lustayin ang kanyang minana.

  10. Nilapitan ng ama ang kanyang tapat na anak, katulad din ng paglapit na ginawa niya sa kanyang nawalay na anak, at tinangka siyang hikayatin. Subalit napakalaki ng pagkakaiba ng damdamin ng ama at ng nakatatandang anak:

  11. Sa isang banda, ang ama ay puno ng hindi masusukat na pagmamahal at matinding kagalakan na nais niyang ibahagi sa lahat;

  12. Ang anak naman ay nagpapakita ng pagkamuhi at panibugho sa kanyang kapatid na hindi na niya kinikilala bilang kapatid. Sinabi pa niya: “Itong iyong anak na lumustay ng lahat na iyong ari-arian”

  13. Ang pagmamahal ng ama at ang kanyang kagalakan sa pagbabalik ng kanyang alibughang anak ang lalo pang nagpalalim ng sama ng loob ng anak na nanatiling kapiling ng kanyang ama.

  14. Ipinapakita ng damdaming ito ang isang malamig at hindi totoong ugnayan sa pagitan ng anak at ng ama. Mababakas natin na para sa anak na ito, ito ay trabaho at ang katuparan ng kanyang mga obligasyon ang higit na mahalaga; hindi niya minamahal ang kanyang ama sa paraan na dapat gawin ng isang anak. Sa halip ay mararamdaman natin na sinusunod niya ang kanyang ama gaya ng pagsunod ng alipin sa kanyang panginoon.

  15. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)

  16. Sa mga katagang ito, sinasabi ni Jesus ang panganib kung saan maaari rin tayong mahulog: iyon ay ang umasal bilang kapita-pitagang tao, mamuhay na nakabatay sa pagtuklas ng kaganapan ng sarili, at hatulan ang kapwa na sa iyong palagay ay hindi mabuti tulad mo.

  17. Ang totoo, kung ikaw ay nakakapit sa kaganapan, kung binubuo mo ang iyong sarili nang walang Diyos, at punong-puno ka ng iyong sarili, ikaw ay nagiging mayabang sa paghanga sa sariling katangian.

  18. Tulad ka rin ng anak na nanatili sa tahanan, na binibilang ang kanyang mga nagawa sa kanyang ama: “...pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway”.

  19. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)

  20. Sa mga katagang ito, sinasalungat ni Jesus ang ugali ng mga Hudyo na ang ugnayan ng tao sa Diyos ay nakasalalay sa pagtupad sa Kautusan upang maging kalugud-lugod sa Diyos. Subalit alam din nila na hindi sapat ang sumunod lamang sa mga kautusan.

  21. Sa talinghagang ito, ipinapahayag ni Jesus ang Diyos bilang Pag-ibig na nauunang lumapit sa tao, na hindi na inisip kung karapat-dapat ba siya o hindi, at ninanais Niya na ang tao ay maging bukas sa Kanya upang makabuo ng tunay na bahaginan ng buhay.

  22. Tiyak na iyong mauunawaan na ang pinakamalaking hadlang sa Diyos na Pag-ibig ay ang uri ng pamumuhay ng mga Pariseo, o yaong mga nag-iipon ng mga gawain at proyekto. Sa halip, ang kanilang puso ang hinihingi ng Diyos.

  23. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.”(Lc 15:32)

  24. Sa mga katagang ito, inaanyayahan tayo ni Jesus na ipakita ang walang hanggang pagmamahal ng Ama sa makasalanan. Tinatawag tayo ni Jesus na huwag husgahan, batay sa ating sariling pamantayan, ang sukat ng pagmamahal ng Ama para sa bawat tao.

  25. Sapag-anyaya sa kanyang nakatatandang anak na makibahagi sa kanyang kasiyahan sa pagbabalik ng nawalay na anak, hinihingi rin sa atin ng Ama ang pagbabago ng kaisipan :

  26. kailangang tanggapin natin bilang mga kapatid yaong mga taong ating hinahamak at pinagmamataasan.

  27. Magbubunga ito ng tunay na pagbabago dahil magiging malinis ang ating palagay na tayo ay “higit na mabuti” kaysa sa iba. Matututo tayong tanggapin ang pagkakaiba ng paniniwala, at matutulungan tayong tanggapin ang kaligtasan na nakamit ni Jesus para sa atin bilang natatanging handog ng pag-ibig ng Diyos.

  28. “Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.” (Lc15:32) Isinulat ni : Chiara Lubich

More Related