1 / 15

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Pebrero 2010. “Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makakatagpo ng pastulan.” (Jn 10,9).

lieu
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Katagang Buhay Pebrero 2010

  2. “Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makakatagpo ng pastulan.”(Jn 10,9)

  3. Ipinapakilala ni Jesus ang sarili Niya na Siyang magsasakatuparan ng mga makalangit na pangako at mga inaasahan ng mga Israelita. Ang kasaysayan nila ay may tandâ ng kasunduan sa Diyos na hindi kailanman nasira.

  4. Ang larawan ng pintuan ay katulad at higit na maipapaliwanag ng isa pang larawan na ginamit ni Jesus: “Ako ang daan... Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Siya ang tunay na daàn, isang bukas na pintuan patungo sa Ama, sa Diyos.

  5. Ano ang ibig sabihin nitong Kataga ng Buhay?

  6. May ilan pang nakasulat sa Ebanghelyo na may parehong pakahulugan sa sinabi ni San Juan. Pagnilayan natin itong “makipot na pintuan”, na dapat nating pagsikapang pasukan upang makapasok sa buhay.

  7. Bakit natin pinili ang katagang ito? Pakiramdam natin ay ito ang pinakamalapit sa katotohanan na ipinahayag ni Jesus tungkol sa sarili Niya. Tinutulungan tayo nito na higit itong isabuhay.

  8. Kailan Siya naging bukas na pintuan at ganap na bukas sa Banal na Santatlo? Nang sandaling tila sarado ang pintuan ng langit para sa Kanya, si Jesus ang naging pintuan patungo sa langit para sa ating lahat.

  9. Si Jesus na Pinabayaan ang pintuan kung saan nangyayari ang ganap na pagpapalitan ng Diyos at ng sangkatauhan. Sa paglimot Niya sa sarili, pinag-isa Niya ang mga anak sa Ama. Sa pamamagitan nitong paglimot sa sarili (ang pagbukas ng pintuan), tayo ay nakaka-ugnay ng Diyos at ang Diyos sa atin.Kaya’t Siya ang makipot, gayundin ang malawak at bukas na pintuan, at nararanasan natin ito.

  10. “Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makakatagpo ng pastulan.”

  11. Noong maramdaman Niya na Siya ay Pinabayaan, si Jesus mismo ang naging pintuan natin patungo sa Ama. Ginawa Niya ang kanyang bahagi. Ngunit upang maging mabunga ang dakilang biyayang ito, dapat gawin ng bawat isa ang kanyang bahagi. Ibig sabihin ay lumapit tayo sa pintuan at pumasok dito.Paano?

  12. Kapag tayo’y naghihirap dahil sa kabiguan o may isang bagay na masakit, o kaya ay may di-inaasahang kamalasan o di-maipaliwanag na pagkakasakit, alalahanin natin ang paghihirap ni Jesus na naranasan ang lahat na pagsubok na ito at higit pa.

  13. Oo, naroroon Siya sa lahat ng uri ng paghihirap. Bawat paghihirap natin ay larawan ni Jesus.Subukan nating kilalanin si Jesus sa bawat paghihirap, sa mabibigat na kalagayan sa buhay, sa bawat sandali ng kadiliman, sa mga pagsubok sa ating personal na buhay at sa buhay ng iba, sa paghihirap ng sangkatauhan. Lahat ito ay mukha ni Jesus na Pinabayaan, dahil inangkin Niya ito.

  14. Sapat na sabihin natin sa Kanya, nang may pananampalataya, “Ikaw, o Panginoon, ang tangi kong kabutihan.” Sapat na gumawa tayo ng kongkretong bagay upang maibsan ang “Kanyang” paghihirap sa mga dukha at nalulungkot, upang pumasok sa pintuan at matagpuan ang kaligayahan sa kabila nito, isang kaligayahang hindi pa natin nararanasan, isang bagong kaganapan ng buhay.

  15. “Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makakatagpo ng pastulan.”(Jn 10,9) Sinulat ni Chiara Lubich

More Related