E N D
Nanay Erly Atienza Ako po si Erly Atienza, may asawa at limang anak. Kawan leader ng San Lorenzo Ruiz. President ng association ng Nasville Officer ng kababaihan. Isang member ng 4ps. Pinag kaka-abalahan ko ngayon ay inaaalalayan ko mga anak ko sa gawaing bahay. Patuloy pa rin nagbibigay ng tulong o impormasyon sa nasasakupan sa abot ng aking makakaya.
Nanay Nelda Cruz Ako po si Nelda Cruz kawan leader ng Santa Clara sakop ng Santo Nino Chapel. May apat na anak. Wala na po hanapbuhay ang aking asawa. Ang aking hanapbuhay ay nagtitinda ng almusal tuwing umaga monday to friday. Yung sabado at linggo focus sa bahay.
Nanay Susan Sanchez Ako po si Susan Sanchez, isang maybahay aktibong volunteer sa aming parokya – kawan ng Santa Clara at San Vicente Ferrer.