1 / 19

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Mayo 2010. " Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya . “ (Jn 14,21).

Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Katagang Buhay Mayo 2010

  2. "Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.“ (Jn 14,21)

  3. Ang sentro ng huling pananalita ni Jesus ay pag-ibig: pag-ibig ng Ama para sa Anak, pag-ibig para kay Jesus na ibig sabihin ay tupdin ang Kanyang mga utos.

  4. Madaling makilala ng mga nakikinig kay Jesus ang pagkakatugma ng Kanyang mga salita at ng nakasulat sa Aklat ng Karunungan: “Ang nagmamahal sa karunungan ay sumusunod sa kanyang mga tuntunin” at, “Ang karunungan ay madaling natatagpuan ng naghahanap sa kanya.” Higit sa lahat, ang pagpapakilala ni Kristo sa mga umiibig sa Kanya ay makikita sa Karunungan 1:2 na nagsasaad na ang Panginoon ay magpapahayag ng Kanyang sarili sa mga nagtitiwala sa Kanya nang lubos.

  5. Sa isang salita, iniibig ng Ama ang mga umiibig sa Anak, at iniibig sila ng Anak at nagpapakilala sa kanila.

  6. "Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.“

  7. Ngunit hinihiling ni Jesus na tayo ay magmahal. Hindi natin maisip ang isang Kristiyano na hindi nagmamahal at kulang ng pag-ibig sa puso.

  8. Ang isang relo ay hindi makakapagbigay ng oras at hindi matatawag na orasan kung wala itong baterya. Gayundin, ang Kristiyano na hindi laging nagmamahal ay hindi karapat-dapat sa pangalang Kristiyano.

  9. Ito ay dahil ang buod ng lahat ng utos ni Kristo ay iisa: pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Nakikita natin at namamahal si Jesus sa kapwa.

  10. Ang pag-ibig ay hindi lamang damdamin; kailangan itong ipakita at ipahayag sa buhay, sa paglilingkod sa kapwa, lalo’t higit sa malapit sa atin, mula sa maliliit na bagay at pinakaabang paglilingkod.

  11. Sinabi ni Charles de Foucauld: “Kung ikaw ay nagmamahal, tunay na nananahan ka sa taong iyon sa pamamagitan ng pag-ibig. Hindi ka na nabubuhay para sa sarili mo, labas ka na sa sarili mo dahil namumuhay ka para sa iba.”

  12. Kapag tayo’y nagmamahal, ang liwanag ni Jesus ay pumapasok sa ating puso, tulad ng Kanyang ipinangako: “Ako’y lubusang magpapakilala sa umiibig sa akin.” Ang pag-ibig ang pinagmumulan ng liwanag. Sa pagmamahal, higit nating nauunawaan ang Diyos na Pag-ibig. Dahil dito, higit tayong nakakapagmahal at napapalalim natin ang ugnayan sa ating kapwa.

  13. Ang liwanag na ito at ang mapagmahal na kaalaman tungkol sa Diyos, ang tandâ at patunay ng tunay na pag-ibig. Mararanasan natin ito sa iba’t ibang paraan, dahil ang liwanag ay nagkakaroon ng kulay sa bawat isa sa atin.

  14. Ngunit may katangian din ito na magkakatulad para sa lahat: tinutulungan tayo nito na unawain ang kalooban ng Diyos. Binibigyan tayo nito ng kapayapaan, katiwasayan, at higit na pang-unawa sa salita ng Diyos.

  15. Ito ay liwanag na nagpapainit ng puso at nagtutulak sa atin na tahakin ang daàn ng buhay na may higit na pagtitiwala at pagpupunyagi.

  16. Kapag ang buhay natin ay nawawalan ng katiyakan, kapag ang kadiliman ay nagbabantang pigilan tayo, ang mga salita ng Ebanghelyo ay muling nagpapaalala sa atin na ang liwanag ay nabubuksan sa pamamagitan ng pagmamahal. At kahit isang maliit ngunit kongkretong pagmamahal (isang panalangin, isang ngiti, isang salita) ay magbibigay sa atin ng ganap na liwanag upang magpatuloy.

  17. May mga bisikleta na may ilaw na sumisindi habang patuloy kang tumatakbo. Kapag tumigil ka ay magdidilim ang kapaligiran. Ngunit kapag nagpatuloy kang tumakbo at nagpedal, sisindi ang ilaw at ito at makikita mo ang daàn.

  18. Mailalagay natin ito sa ating buhay: kailangan lang nating muling buhayin ang pag-ibig, isang tunay na pag-ibig, ang pag-ibig na ibinibigay sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit, upang muling sindihan sa puso natin ang pananampalataya at pag-asa.

  19. "Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.“ (Jn 14,21) Sinulat ni Chiara Lubich

More Related